Toni At Alex Gonzaga Nag-alitan Sa Harap Ng Camera Na Nagpaiyak Sa Kanilang Ina Na Si Mommy Pinty

Marahil karamihan sa atin ay nakapanood o makakapanood ng mga “vlogs” o video blogs ng kapatid ni Toni Gonzaga na si Alex Gonzaga. Sa loob lamang ng isang taon ay umabot na ng 2 milyon ang kaniyang subscribers. Marami ang natutuwa sa kanyang mga nakakatawang “vlogs.”




Nitong nakaraan lamang ay nag-upload na naman si Alex Gonzaga ng kanyang panibagong vlog kasama si Toni Gonzaga at ang “internet sensation”at kanyang ina na si Mommy Pinty. Sa kaniyang vlog, muntik nang maiyak si Mommy Pinty dahil nag-aaway ang kanyang dalawang anak sa kanyang harapan, kung minsan pa’y nagkaka pisikalan. Ngunit lahat ng ito ay pawang biro lamang.

Nagpanggap sina Toni at Alex na gagawa ng vlog kung saan kailangan nilang sagutin ang mga tanong mula sa netizens para i-promote ang kanilang pelikulang pinagbibidahan nilang dalawa na “Mary, Marry Me.” Nagkataon naman na naroon si Mommy Pinty sa kwarto kung saan nag-shoot sina Toni at Alex kaya naman inimbitahan na nila ang kanilang Mommy Pinty na sumama.

Napapagitnaan ni Alex at Toni si Mommy Pinty kung saan nakikinig siya sa kanyang dalawang anak habang sinasagot nila ang mga tanong mula sa netizens. Ngunit nang lumaon, nagsimula nang magrambolan ang dalawa nang sabihan ni Toni si Alex na palaging pabalang sumagot at wala raw umano “substance.” Mas lalo niyang pinalala ito nang idamay niya ang vlog ni Alex.

Nagaway ang dalawa hanggang nagpalitan na sila ng mga masasakit na salita. Ngunit hindi lang dito nagtapos, mas winindang nila si Mommy Pinty nang hilahin ni Alex ang buhok ni Toni at bilang ganito, hinampas naman ni Toni si Alex. Para mas maging epektibo, nag iiyak na ang dalawa. Dala na rin siguro ng lala ng sitwasyon, maluha luha na rin si Mommy Pinty. Pero bago pa tuluyang umiyak ang kanilang Mommy, dito na nila ibinulgar ang kanilang “prank.”




Ayon kay Mommy Pinty, naiyak rin daw siya sa galing ng pag-arte ng kanyang mga anak pero hindi siya humagulgol at pinagalitan ang kanyang mga anak dahil may mga tao raw sa loob ng kwarto na hindi miyembro ng kanilang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *