Tonton Gutierrez Ibinahagi Ang Dahilan Kung Bakit Hindi Niya Magagawang Lokohin Ang Kanyang Asawang Si Glydel Mercado

Ang buhay may-asawa ay masaya dahil may isang tao kang makakasama araw-araw sa iyong pamumuhay na magiging katuwang mo sa lahat ng bagay ngunit hindi rin ito madali dahil kaakibat nito ay marami rin ang pagsubok na sadyang dumarating sa buhay ng mag-asawa.

Image Credit via Google




Ilan sa mga pagsubok na dumarating sa buhay may-asawa ay kung kayong dalawa ay kapwa nagtatrabaho na nagiging dahilan nito upang kumulang o minsan ay mawalan na kayo ng oras sa isa’t isa o maging sa inyong mga anak.

Image Credit via Google

Ilan ito sa mga dahilan kung bakit may mga mag-asawang nauuwi sa hiwalayan dahil sa kakulangan nila ng oras sa isa’t isa ngunit meron din namang mag-asawa na kahit parehong busy sa kanilang mga trabaho ay sinisigurado nila na nagkaroon pa rin sila ng oras sa kanilang asawa at pamilya.

Image Credit via Google

Karamihan sa mag-asawang nakakaranas ng mga ganitong sitwasyon ay mga mag-asawang nasa showbiz industry. Dahil sa takbo ng kanilang trabaho minsan ay kulang na kulang ang oras nila sa kanilang pamilya na kung saan ay nagiging dahilan ito upang mapalapit sila sa tukso kaya’t ang ibang mga mag-asawang artista ay naghihiwalay ngunit may mga mag-asawang artista pa rin na matatag ang relasyon sa kabila ng maraming pagsubok.

Image Credit via Google

Isa na dito ang showbiz couple na sina Tonton Gutierrez at Glydel Mercado na hinahangaan dahil sa pagpapanatili nila ng kanilang matatag na relasyon bilang mag-asawa kahit pa nga ba silang dalawa ay parehong artista at busy sa mga kani-kanilang proyekto sa telebisyon.

Ang mag-asawa ay halos 21 taon ng magkasama sa buhay simula pa lamang ng silang dalawa ay maging magkasintahan hanggang sa sila ay mag-asawa. Sa tagal ng kanilang pagsasama ay hindi umano nagkaroon ang mag-asawa ng pag-aaway na dahil sa pangangaliwa.

Ayon sa aktor ay napakaliit na ng mundo upang magloko pa at mangaliwa dahil nandiyan na ang social media na madaling kumalat ang balita kung ikaw ay makagawa ng isang pagkakamali.

Noon nga daw ay marami ang nagsasabi sa kanilang dalawa na sila ay mauuwi din sa paghihiwalay dahil nga sila ay parehong artista ngunit ito ay kanilang pinatunayan dahil hanggang ngayon ay magkasama pa rin silang dalawa sa buhay at halos dalawang dekada ng magkasama at magkatuwang.

Nabanggit din ng aktor na nag-away na rin sila noon ni Glydel ng silang dalawa ay magkasintahan pa lamang at dito ay silang dalawa ay naghiwalay ngunit nagkabalikan rin at ngayon nga ay mag-asawa na sila na may masayang pagsasama at pamilya.

Isa naman sa mga dahilan ng pagiging matatag ng kanilang pagsasama sa kabila ng takbo ng kanilang trabaho sa industriya ng showbiz ay ang tiwala at pag-iintindihin nilang dalawa. Katulad na lamang ng hindi maiiwasan na magkaroon sila ng malalaswang eksena sa pelikula, ayon sa kanila ay pinapalampas lamang nila ito at hindi binibigyan ng anumang kahulugan dahil ito ay kasama sa kanilang trabaho.

Para kay Glydel naman ay hanggat maari ay iniiwas niya na makita at mapanood ng kanilang mga anak ang mga ganitong eksena nila. Kahit pa nga pareho ng mga artista ay sinisigurado din umano ng mag-asawang Tonton at Glydel na hindi nila napapabayaan ang kanilang mga anak at binigyan niya ng oras na makasama at makamusta ang mga ito at maibigay ang mga pangangailangan nila maging sa pinansyal.




Kahanga-hanga nga naman sa mag-asawa kung kayo ay pinagtibay na ng panahon sa inyong pagsasama at napapanatili ang pagmamahal sa isa’t isa kahit pa maraming pagsubok ang dumaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *