Tonton Guttierez Ibinahagi Ang Dahilan Kung Bakit Hindi Niya Magagawang Lokohin Ang Kanyang Asawang Si Glydel Mercado

Hindi madali ang buhay mag-asawa. May mga pagsubok talagang darating sa inyong buhay na talagang susubukin ang iyong pasensya. Normal na ang mga pagsubok at problemang ito ngunit ang mahalaga ay ang may makakasama ka palagi sa pagharap sa mga pagsubok na ito. Siyempre, mas nasusubok rin ang inyong relasyon bilang isang pamilya kapag kapwa may trabaho kayong mag-asawa dahil maaaring mawalan kayo ng oras ng isa’t-isa at sa inyong mga anak.

Photo Credit: Google




Ito ang karaniwang dinadanas na pagsubok ng mga mag-asawang kapwa nasa showbiz industry. Maliban pa rito, napapalibutan rin sila ng tukso lalo pa’t kilala ang showbiz industry bilang isang magulong mundo. Ngunit para sa mag-asawang aktor at aktres na sina Tonton Gutierrez at Glydel Mercado, relaks lang raw sila sa buhay nila. Sa loob ng 21 taong magkasintahan, napanatili nila ang kapayapaan sa kanilang relasyon at sa kanilang pamilya. Hindi rin raw nagkaroon ng away ang mag-asawa na tungkol sa pangangaliwa.

Photo Credit: Google

Ayon kay Tonton, napakaliit raw ng mundo para mangaliwa lalo pa’t may social media na ngayon. Bagama’t marami ang nagsabing maghihiwalay rin sila katulad ng ibang magkasintahan artista, pinanindigan nila ito at ngayon ay higit dalawang dekada ng magkasama sa buhay. Pagdating naman sa kanilang awayan, isa raw sa pinaka-malaking pag-aaway nila ay ng magnobyo at nobya pa lamang raw silang dalawa. Naghiwalay raw ang dalawa noon.

Photo Credit: Google

Maliban pa rito, naiintindihan rin ng dalawa ang “nature” ng kanilang trabaho kung kaya’t kapag may mga malalaswang eksena ang bawat isa ay pinapalampas lang nila. Sa kabilang banda, ayaw naman ni Glydel na mapanuod ng mga anak nila ang mga ganitong eksena nila.  Bagama’t parehong busy sa kanilang trabaho, sinisigurado nilang may sapat na oras silang nilalaan sa kanilang mga anak. Ang oras na ito ang kanilang ginagawa ng pagkakataon upang makamusta sila. Bukas rin sila sa lahat ng pangangailangan ng kanilang mga anak kahit pa higit sa pinansyal.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *