Tony Labrusca Ikuwenento Ang Real Life Glorious Experience Sa Isang Babaeng Mas Matanda Sa Kanya

Marami ang nakakakilala ngayon kay Tony Labrusca bilang isa sa mga gwapong aktor na nagtataglay ng malakas na appeal at matipunong pangangatawan na talaga namang nagpapakilig sa mga kababaihan.

Photo Credit: tony.labrusca/Instagram




Ngunit alam niyo ba maliban sa pagiging gwapong aktor ngayon na kinakikiligan ng mga kababaihan ay lapitin pala ng mga older women si Tony Labrusca. Sa isang pahayag ng aktor ay inamin nito na sa buong buhay niya ay talagang lapitin na umano siya ng mga older womens.

Photo Credit: tony.labrusca/Instagram

 

Sila yung mga tinatawag natin na matronas, titas, mumshies na noon pa umano ay talagang attracted na siya sa mga ganito na parang parte na ng buhay niya. Ayon sa aktor malaki umano ang respeto niya sa mga kababaihan lalo na at ang nagpalaki sa kanya ay ang kanyang ina.

Photo Credit: tony.labrusca/Instagram

Mama”s boy din umano si Tony at ito marahil ang dahilan kung bakit malapit siya sa mga older women dahil sa alam niya kung paano ang pakikisalamuha sa mga ito. Para rin umano sa aktor ay may personalidad siya na kung saan ay nakaramdam ng pagiging komportable ang isang old women pag kausap o kasama siya. Ibinahagi din ng aktor na pakikipagkaibigan din siya sa mga ito na walang halong anumang malisya o kung ano pa mang bagay.

Photo Credit: tony.labrusca/Instagram

Pati nga ang mga bituin ay nakikiayon sa takbo ng buhay ng aktor dahil hindi niya inaasahan na sa kanyang pagiging artista ay gagampanan niya ang karakter ng isang binata na nagmahal ng isang older woman at ito ay ang pelikula nila ni Angel Aquino na “Glorious”.

Photo Credit: tony.labrusca/Instagram

“It came to a point where my stars aligned that I even was an actor in a movie about being in love with an older woman. God does have a sense of humor.” ayon sa aktor.
Inamin din ng aktor na sa totoong buhay ay nagkaroon siya ng “Glorious” experience nung siya au 19-taong gulang pa lamang at ang babaeng nakilala niya na may edad na ay 40 taong gulang naman.

Ayon kay Tony ang old women na nakilala niya ay kasal ngunit kasal sa pamamagitan ng fix marriage kaya walang love na involve o hindi nito naramdaman ang sinasabing love nung mga panahong ikinasal ito.

Kaya’t ng makilala siya nito ay dito nga nito unang nararamdaman ang sinasabing love o pagmamahal. Ngunit ayon pa din sa aktor ay hindi umano isang relasyon na magkasintahan ang namagitan sa kanila kundi pagkakaibigan lamang dahil pareho nilang nirerespeto ang isa’t isa kaya walang nangyari sa kanila na katulad ng ginagawa ng magkasintahan.




Ni hindi rin pumasok sa isip ng aktor na paglaruan ang damdamin ng naturang old women.
Ibinahagi din ng aktor na experyensa nyang ito ang mas lalo pang nagparealize sa kanya kung gaano dapat irespeto ang mga kababaihan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *