Tootsie Guevarra Na Nagpasikat Ng Kantang “Kaba” Ito Na Ang Buhay Ngayon

Ilan sa mga sikat na awitin noon na magpa hanggang ngayon ay kadalasan pa rin nating naririrnig o inaawit sa mga video oke ay ang mga kantang “Kaba”, “Pasulyap Sulyap”, “Mahal ka Sa Akin”, ‘Nang Dahil sa Pag-Ibig”, “Mr. Kupido” at marami pa ngang iba.
Ang mga nabanggit ngang awitin ay inawit ng sikat na mang-aawit noon na si Tootsie Guevarra o sa tunay na buhay ay kilala ng kanyang pamilya bilang si Emma Theresa Pinga.




Sumikat siya noong dekada 90, at dahil sa punong-puno ng hugot at madamdamin niyang mga awitin, karamihan nga sa kanyang mga kanta ay naging pambansang kanta ng mga inlove at sawi sa pag-ibig, hindi lang noon kundi magpa hanggang ngayon.
Taong 2004 ng talikuran ni Tootsie ang kanyang karera bilang isang mang-aawit sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Kasama ang kanyang pamilya ay nagdesisyon siya na manirahan sa bansang Amerika.

Image Credit via Instagram

Ikinasal siya noong taong 2005 kay Jansen Cunanan, isang Filipino-American. Silang mag-asawa ay biniyayaan ng isang anak na lalaki, ngunit hindi naman nagtagal ay nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.

Image Credit via Instagram

Matapos ang kanyang pagkabigo sa unang napangasawa, ay muli namang binuksan ni Tootsie ang kanyang puso sa pag-ibig. Muli siyang umibig at ikinasal, at sa pagkakataon na ito ay sa isang Italian-American na kinilalang si Mike Monaco. Ang pagsasama nilang mag-asawa ay biniyayaan naman ng isang anak na babae.

Image Credit via Instagram

Bilang isang mang-aawit ay aminado si Tootsie na nami-miss niya ang kanyang buhay dito sa Pilipinas noon, lalo na nga ang kanyang pagkanta. Ibinahagi din niya na kung may pagkakataon pa na muli siyang makabalik, ay malugod niya itong tatanggapin.

Image Credit via Instagram

“Alam mo hindi malayong mangyari yan, hindi mo masabi ang future diba. I mean hindi mo talaga masasabi ang future. Siyempre kung gusto niyo pa rin ako kung may pagkakataon, bakit naman hindi? You’ll just never know. For me, I don’t close doors, it’s all open”, pahayag ng singer.

Image Credit via Instagram

Hanggang ngayon nga ay naririnig pa rin natin ang mga awiting pinasikat ni Tootsie Guevarra, at marami rin sa kanyang mga naging tagahanga noon ang nami-miss na ang mahusay na mang-aawit na kumakanta sa entablado ng telebisyon.
Narito nga ang ilan sa mga komento ng netizens;

“I remember noong bata pa kami ni ate, pag nagkara-oke kami, kinakanta ni ate to tapos ako naman kinakanta ko naman yung kanta ni Regine Velasquez na ‘kailangan ko’y Ikaw’. Wala lang nakaka-miss lang ang mga ganyang kanta.”




“This song brings back teenage memories. Yung tipong kilig na kilig pag nag-sign up yung crush mo sa slamnook mo tapos sinusulat mo sa papel ang pangalan niya at ilalagay under pillow para mapanaginipan mo at mapanaginipan ka din niya at FLAMES HOPE yung mga pangalan niyong dalawa to see kung compatible kayo.”“I wasn’t born in 90’s yet my favorite song when I was elementary and that was year 2013. Yes, 2001 ako pinanganak but my heart and soul belongs to those good old music.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *