Matatandaan na noon ay naging viral sa social media ang isang barong-barong na bahay, dahil sa nakasabit dito na tarpaulin kung saan nga ay makikita ang isang larawan ng babaeng nakasuot ng toga, at nakalagay ang salitang “Top 2.”
Ang naturang barong-barong na bahay ngang tinutukoy, ay ang bahay ng isang dalagang estudyante noon na anak ng isang mangingisda, na ng dahil sa kanyang ipinakitang sipag, tiyaga at determinasyon sa kanyang pag-aaral ay matagumpay siyang nakapagtapos ng kolehiyo at ang tunay pang nakamamangha, ay nagawa niyang maging “Top 2” sa Licensure Exam for Teacher (LET) noong mag-board exam siya taong 2015.’

Marahil ay marami sa atin ang nais ng malaman kung may naging pagbabago na ba sa buhay ng estudyante, matapos nga nitong maging Top 2 sa LET. Lalo pa nga’t ilang taon na rin ang lumipas mula ng siya’y makapagtapos at maging ganap na propesyonal na guro.
Buwan ng Setyembre taong 2015 ng maging Top 2 sa LET board exam ang dalagang anak ng mangingisda na kinilalang si Iah Seraspi.

At sa ika-25 taong kaarawan nga ng naturang dalaga, ay bukas niyang ibinahagi sa kanyang Facebook account, kung ano na ang mga pagbabago sa kanyang buhay at pamilya, mula ng siya’y makapagtapos at maging top 2 sa board.

Sa naging pagbabahagi ni Iah sa kanyang Facebook account, ay ikinuwento niya na matapos niyang maka-graduate at maging top-2 sa LET board exam ay agad siyang nakatanggap ng “job offer”. Ang trabaho ngang ito ay inalok sa kanya, ng review center na kung saan nga siya nag-review noong panahon na kukuha pa lamang siya ng LET na malaki nga ang naging tulong sa kanya.

Kwento pa ni Iah sa kanyang naging Facebook post, matapos niyang maging isang ganap na propesyonal na guro, ay marami na sa kanyang mga pangarap sa kanyang buhay ang kanyang natupad. Isa na nga umano sa mga ito, ay ang pangarap niyang maipaayos ang kanilang bahay, upang maging kumportable siya at ang kanyang pamilya.

Makikita nga sa ibinahaging larawan ni Iah, na mula sa isang barong-barong noon na kanilang tinitirhan, ngayon nga ay isa na itong kongkretong bahay na may dalawang palapag. Mas malawak at maaliwalas na rin tong tingnan, kumpara sa barong barong na kanyang kinalakihan.

Ayon pa sa naturang dalaga, kung saan nakatayo noon ang kanilang barong-barong, ay doon rin mismo itinayo ang kanilang mas kumportable ng tahanan.
Dagdag pa ni Iah, talagang malaki ang nabago sa estado ng kanilang buhay mula ng siya’y makapasa sa board exam at maging top 2, dahil maliban sa naipaayos niya ang kanilang tahanan, ay nagkaroon rin siya agad ng trabaho na siya niyang magiging paraan upang ngayon ay siya naman ang makatulong sa kanyang mga magulang.
Sa ngayon nga ay nagtatrabaho si Iah Seraspi sa review center na siya ring pinag-reviewhan niya noon. Ito nga ay ang “Carl Balia Review Center” o CBRC. Inspirasyon nga naman para sa lahat ng estudyante si Iah, dahil sa kanyang ipinamalas na kasipagan at tiyaga, na sa kabila ng kahirapan ay nagawa niyang tuparin ang pangarap niya na matapos ang kanyang pag-aaral, maging ganap na propesyonal na guro, at bigyan ng kumportableng buhay ang kanyang mga magulang.