Silipin Ang Training Nina Dingdong Dantes Para Sa Remake Ng Hit Korean Serye Na Descendants Of The Sun

Isa sa mga at ang pinaka-matinding rason kung bakit hindi kadalasang magkaintindihan ang mga tao sa buong mundo ay ang lenggwahe. Bawat bansa sa atin ay kani-kanilang lenggwahe na tanging mga tao lamang sa bansang ito ang nakakaalam. Bagama’t ganito, nauso sa ating mga Pilipino ang K-Drama.

Kinahihiligan na ito, lalo na ng mga kabataan, nating mga Pilipino dahil sa maganda nitong istorya, at magandang “cinematography.” Maliban pa rito, tila naadik na rin tayo sa musika ng mga Koreano at pati na rin sa uri ng kanilang pananamit.

Photo Credit: @dongdantes/Instagram




Dahil sa ganitong hilig ng mga manonood, marami na sa atin ang nagkakaroon ng sariling “adaptation” ng mga nasabing pelikula at programa mula sa mga Koreano. At ngayon nga, mula sa GMA, ipapalabas na ang sikat na programang “Descendants of the Sun.” Ang programang ito ay pinagbibidahan ng isa sa mga pinaka-primyadong aktor ng kanyang panahon na si Dingdong Dantes, asawa ni Marian Rivera-Dantes.

Photo Credit: @dongdantes/Instagram

Bilang isa ito sa mga tinatangkilik ng masang Pilipino, pinakita ni Dingdong kung paano nila pinaghahandaan ang pagsasagawa ng nasabing programa. Sa programang ito, gaganap siya kasama ang ibang mga artista na sina Paul Salas, Jon Lucas, Prince Clemente, at si Rocco Nacino bilang mga sundalo ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Photo Credit: @dongdantes/Instagram

Ayon pa kay Dingdong, ibang klase raw ang kanilang ginagawang paghahanda para sa programang ito. Ipinahayag rin ni Dingdong sa pamamagitan ng kanyang social media account ang dedikasyon niya at ng kaniyang mga kasamahang artista sa pagbuo at pagsasagawa ng programang ito. Sa katunayan, kailangan pa nilang sumailalim sa aktwal na ensayo ng ginagawa ng mga sundalo para magampanan nila ang kanilang mga karakter ng maayos.

Photo Credit: @dongdantes/Instagram
Photo Credit: @dongdantes/Instagram

Isa na raw itong paraan ng pagpapakita niya at nila ang kanilang mataas na pagrespeto sa lahat ng sundalo ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Umani naman ito ng papuri sa mga fans ni Dingdong. Ramdam na rin ang kanilang pananabik sa papalapit na programang kanilang minahal noon.

Photo Credit: @dongdantes/Instagram




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *