Tumakbo At Hindi Sumipot Sa Araw Ng Kanyang Kasal Ang Lalaking Ito

Marami na tayong narinig at nabasang mga istorya ng pangangaliwa ng asawa mula sa asawa nitong OFW. Doble ang dagok nito sa mga OFW dahil kailangan nilang labanan ang sakit ng ginawa ng kanyang asawa at ang pangungulila sa kanilang pamilya ng mag-isa lamang. Masakit malaman na sa kabila ng iyong pagtitiis sa pangungulila at pagtatrabaho para lamang may ipinadala sa kanila ay ganun pa ang mangyayari sa iyo.


Image credit: YouTube and Raffy Tulfo in Action




Ito ang sinapit ng isa nating kababayang si Elma na nitong nakaraan lamang ay humingi ng tulong sa programa ni Raffy Tulfo dahil sa kaniyang problema sa kanyang kinakasama. Si Elma ay isang OFW at may kinakasama. Sa loob ng 13 taon nilang pagsasama bilang magkasintahan, nagkaroon sila ng 4 na anak ni Joey Ybanez.


Image credit: YouTube and Raffy Tulfo in Action

Sa kaniyang pagtatrabaho bilang OFW sa ibang bansa, nalaman ni Elma na napapabayaan na ni Joey ang kanilang mga anak sa Pilipinas at ang masakit pa dito, napapabayaan ni Joey ang kanyang mga anak dahil busy raw ito sa kabit nito. Nang malaman ni Elma ang kalokohang ginawa ni Joey, pinapili niya agad si Joey kung siya at ang kanilang mga anak o ang babaeng kinakalantaray nito ngayon. Pinili ni Joey ang kanyang pamilya.


Image credit: YouTube and Raffy Tulfo in Action

Hindi nakuntento si Elma sa pagpili ni Joey at humiling na pakasalan niya si Elma upang mapatunayan ang sinseredad ng kanyang naging desisyon. Pumayag naman si Joey dito at sinimulan na ang preparasyon at pag-aayos ng mga papeles para sa kasal. Ngunit sa araw ng kasal, isang hindi inaasahang pangyayari ang nangyari: hindi sumipot si Joey.


Image credit: YouTube and Raffy Tulfo in Action

Sa pamamagitan ng isang text, sinabi ni Joey na mahal niya ang kanilang mga anak ngunit kailangan niya raw munang pag-isipan ang mga bagay-bagay. Sa kabila ng pagmamakaawa ni Elma na unahin ni Joey ang kanyang pamilya, hindi pa rin ito nagpipigil sa pag-alis kahit na nagpresenta na si Raffy Tulfo na maging ninong ng kanilang kasal. Marami ang rason ni Joey kung bakit ayaw niyang magpakasal at nagkaroon na rin ng kasunduan ang dalawa.

Video credit: YouTube and Raffy Tulfo in Action




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *