Tunghayan Ang Pagkikita Ng Mga Artista Na Ito At Ang Kanilang Mga Tunay Na Magulang

Hindi lahat ng tao ay pinagkalooban ng buong pamilya, hindi rin lahat ng anak ay binigyan ng pagkakataon na makasama sa bawat pagkakataon ang kanyang ama at ina.
At kahit pa nga mga sikat na personalidad sa showbiz ay may mga usapin din na ganito.




May mga aktor at aktres na hindi lumaki sa kanilang totoong pamilya o nakasama ang kanyang ama at ina. Ilan sa mga sikat sa personalidad na ito ay sina:

MARIAN RIVERA

Photo Credit: marianrivera/Instagram

Kilala siya bilang isa sa pinaka magandang aktres sa showbiz, at mayroong mga iba’t ibang show sa GMA network. Lumaki si Marian sa pag-aaruga ng kanyang Lola, dahil ng siya ay dalawang taon pa lamang ay naghiwalay ang kanyang Ina na isang Pinay at amang Spanish naman ang lahi.

Noon ngang taong 2010 ay lumipad ang aktres patungong Spain, upang makasama at makita kang muli ang kanyang ama na pitong taon na ang nakalipas bago niya ito huling nakita.

Ang kanyang ama na si Francisco Javier Garcia, naman ay nagtungo at bumisita dito sa Pilipinas noong ikasal si Marian sa aktor na si Dingdong Dantes noong Disyembre 2014.

At taong 2017, sina Marian at Dingdong naman kasama ang kanilang napakaganda at pinaka cute na anak na si Zia ang nagtungo sa Spain upang bumisita at makita ng kanyang ama ang apo nito na si Zia.

JULIA MONTES

Photo Credit: montesjulia08/Instagram

Lumaki si Julia na hindi man lang nakilala ang kanyang ama na si Martin Schnittka. Noong 2016, ay unang beses palang nakita ng aktres ang kanyang ama na sa dalawangpu’t isang taon ng buhay niya ay noon lamang niya nakita at kinausap.

At bago nga nawala sa industriya at sa bigscreen si Julia, ay nagbahagi pa siya sa kanyang Instagram account ng kanyang naging bakasyon sa Germany kung saan naroon naninirahan ang kanyang ama.

ANGELICA PANGANIBAN

Photo Credit: iamangelicap/Instagram

Sa kabila ng pagiging isang sikat na aktres, isa si Angelica sa mga artista na lumaki na hindi kapiling ang kanyang mga totoong magulang. Lumaki ang aktres sa piling ng kanyang adoptive parents na sina Alfredo Panganiban at Melania David.

Kaya noong taong 2010, ng malaman niyang nasa L.A California ang kanyana Biological Father na si Mark Charison ay nagtungo roon si Angelica at doon nga muling nagkita ang mag -ama. Nagtungo naman ang aktres at kanyang ama sa Iowa, kung saan nakilala ni Angelica ang kanyang mga kapatid sa ama, ang kanyang lolo at lola at tiyahin.

LIZA SOBERANO

Photo Credit: lizasoberano/Instagram

Si Liza ay isa rin sa mga personalidad na lumaki sa pag-aalaga ng kanyang Lolo at Lola. Ang aktres ay ipinanganak sa California, USA at sampung taon siya ng kunin siya ng kanyang amang si John Castillano upang manirahan dito sa Pilipinas.

Ang ina naman ni Liza na si Jacqulyn Elizabeth Hanley, ay nasa California. Kaya taong 2015 ay muling bumisita si Liza sa bansang ito, upang makita at makasama ang kanyang ina, na halos pitong taon din niyang hindi nakita at nakasama.

LOTLOT DE LEON

Photo Credit: ms.lotlotdeleon/Instagram

Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko, na ang nag-alaga, nag-aruga at kinilalang tunay na magulang ni Lotlot ay sina Christopher de Leon at Nora Aunor mga sikat na personalidad sa showbiz.

Nakilala naman ni Lotlot ang kanyang totoong ama noong 2009, na si Donald Lee Olson. Ng magka oras at panahon, ay muling nagkita ang mag-ama ng bumisita si Lotlot sa Florida upang muling makita at makasama ang kanyang ama.




Nakilala at nakita rin ng aktres ang kanyang mga biological sister, ng siya ay magkaroon ng trip sa U.S ito ay sina Dawn, Myria at Donna.

Hindi rin pinalampas ni Lotlot ang pagkakataon na makita at makilala ang kanyang totoong Ina na si Eva, ipinakilala rin niya ito sa kanyang mga anak na si Janine at Diego na kung saan nakapag bonding pa ang mga ito.

TONY LABRUSCA

Photo Credit:tony.labrusca/Instagram

Na Discover ang aktor sa isang sikat na reality TV talent hunt. Siya ay lumaki sa U.S at nakilala ang kanyang ama na si Boom Labrusca na isang aktor taong 2016.

MARC PINGRIS

Photo Credit:jeanmarc15/Instagram

Isang sikat at kilalang Basketball Superstar, lumaki siyang hindi man lang nakikilala ang kanyang biological Father. Taong 2014, ng ang Philippine Basketball team ay may tournament sa Antibes, doon nakita ang nakilala ni Marc ang kanyang biological father na si Jean Marc Pingris Sr. at kanyang stepmother na si Francois.




Matagal man at nahirapan man sa paghahanap si Marc sa kanyang ama, ay nagpapasalamat siiya sa kanyang inang si Erlinda Prado at sa girlfriend niya ng mga panahong iyon nap ag-si Danica Sotto na tumulong sa pag-aasikaso sa paghahanap sa ama ni Marc.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *