TV Host Bianca Gonzales Hindi Napigil Ang Mapaiyak Sa “Moving Up Day” Ng Kanyang Anak

Super proud mommy ngayon si Bianca Gonzales sa anak nila ng asawa niyang si JC Intal na si Lucia, ito nga ay dahil sa kabila ng maraming mga challenges na pinagdaanan nito sa klase sa kanyang online-classes ay napagtagumpayan ito ng kanyang anak.




Sa araw ng virtual moving up ceremony ni Lucia, ay hindi napigilan ng TV host at mommy nitong si Bianca ang mapa-iyak, dahil sa sobrang kaligayahan.

Photo Credit: iamsuperbianca/Instagram

Makikita naman sa Instagram account ni Bianca ang naging pagbabandera nito ng larawan ng anak na si Lucia, habang masaya nitong hawak-hawak ang kanyang moving up certificate na nagpapatunay nga na handa na siyang pumasok sa susunod na baitang sa pasukan.

Photo Credit: iamsuperbianca/Instagram

“We’re so proud of you, Lucia!!! I couldn’t help but get emotional with the very special virtual Moving UP Day program the teachers prepared for the kids and the parents.”, ang naging caption ni Bianca sa kanyang post.

Photo Credit: iamsuperbianca/Instagram

Dagdag pa ng proud mommy, “Celebrating milestone online may be challenging because we are all physically apart, but the warmth, love and sense of community could be felt all throughout”.

Photo Credit: iamsuperbianca/Instagram

Maliban sa kasiyahan na kanyang nararamdaman para kanyang anak, ay masaya rin si Bianca para sa ibang bata na nakapagtapos ng kanilang pag-aaral ngayong school year na to. Binati nga ang iba pang mga kabataan, at pati na rin ang mga magulang nito, na tulad niya ay proud rin sa mga anak nila.

Photo Credit: iamsuperbianca/Instagram

Mas lalo namang naging emosyonal si Bianca ng marinig na niya ang mga speech ng mga guro sa naganap ngang moving up ceremony. Pinasalamatan nga niya ang mga ito dahil sa naging matiyagang pagtuturo ng mga ito sa kabila nga ng hirap na maipahatid ang maayos na edukasyon ngayon sa mga kabataan dahil na nga sa ‘new normal’ gawa ng krisis.

“I couldn’t help but cry with them…. Wow, what a difficult year it was. Thankful for every single teacher who adjusted and adapted, whose patience and strength were stretched to the limits, and who gave their all for our kids to continue learning despite the circumstances. Maraming, maraming salamat.”

Ibinahagi rin ng TV host kung gaano siya ka-proud sa kanyang anak na si Lucia. Nagpasalamat rin siya anak dahil sa mga bagay na natutunan niya rito bilang magulang nito.




“I’m so proud of our daughter Lucia who pulled through the sleepy and sluggish days, who did her nest to engage despite being painfully shy, who is diligent and studios with the work she has to do, but also tells me when she’s not ready to do it, and who let her creativity and imagination fly.” “Thank you for teaching mommy so many things this past school year”, pahayag ni Bianca.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *