Umani Ng Papuri Sa Maraming Mga Pinoy Ang Cover Ng OPM Hit Nina Sandara Park At Jinhwan Na “Dahil Sayo”

Noon ngang nakaraang Pasko, ay isang surpresa ang inihandog nina Sandara Park at Jinhwan sa kanilang mga Pinoy fan, at ito nga ay ang pag-gawa nila ng isan cover ng OPM song na “Dahil Sayo”, na ang orihinal na umawit ay ang Pinoy singer na si Inigo Pascual.




Ikinatuwa nga ng maraming mga Pinoy K-pop o mga Korean Pop fans ang “Christsmas gift” na ito sa kanila nina Sandara at Jinhwan, mga iniidolo nila na mga South Korean singer.
Sa Instagram nga ni Sandara, ay makikita ang naging pagbabahagi niya ng teaser photo nila ni Jinhwan, kung saan, kalakip nito ang caption na;

Image Credit: daraxxi/Instagram

“Surpise!!!!! Christmas gift from Me & Jay [emoji] Dahil Sayo (Inigo Pascual) Cover by #DARA & #JAY from #iKON [microphone emoji] hope you will like it!!!! [heart emoji] Merry Christmas!!!! [fly kiss emoji].”

Image Credit: daraxxi/Instagram

Ang Christmas themed video ngang ito ng “Dahil Sayo” na ginawa nina Sandara at Jinhwan , ay ini-upload ng Korean singer sa kanyang official YouTube channel na “DARA TV.”

Image Credit: daraxxi/Instagram

Dahil nga sa talagang kinagiliwan at nagustuhan ito ng maraming mga tagahangang Pinoy ng dalawa, ay hanggang ngayon ay trending pa rin sa nasabing video sharing platform ang nasabing video coer na ito nina Sandara at Jinhwan.

Image Credit: daraxxi/Instagram

Ayon nga sa ilang mga artikulo, ay agad na umabot sa 700k ang nanood ng ‘Dahil Sayo’ cove rng dalawa.

Image Credit: daraxxi/Instagram

Makikita naman sa Instagram post ni Sandara, ang naging pagkomento ni Inigo Pascual, kung saan ay pinuri nito ang dalawang Korean singer, dahil sa ganda ng coverna ginawa ng mga ito sa kanyang awitin.

“Ganda, sobra”, ang naging komento nga ni Inigo. Maliban pa rito, ay nagkomento rin si Inigo sa Youtube video na ini-upload ni Sandara.
“Jay and Ate Dara, making this song much better…. Merry Christmas!”, ang naging komento naman ni Inigo.




Maliban nga kay Inigo, ay marami pang mga netizens ang nagbigay komento at papuri sa napakagandang cover na ginawa nina Sandara at Jinhwan. Narito nga ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens;

“I didn’t expect Jinhwan of IKON would be prenouncing those words so cool. Gosh, for a Korean like him, maganda na ang pagbigkas niya sa tagalog words! Sana all!!! ” “Im just wondering how many days and weeks did Jihnwan practice this whole song? Like dude…. Their effort is really amazing!!! Being a Filipino I AM SO PROUD of them”

Video Credit: Sandara Park/YouTube

“Dara and Jay sang very good, fluent na fluen ang tagalog…Merry Christmas both of you, [ red heart emoji, snowman emoji, Christmas tree emoji]. Magkasama sina Sandara at Jinhwan sa isang entertainment agency, kung saan ay pareho silang talent ng YG Entertainment, isa sa pinakamalaking talent agency sa South Korea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *