Unang Filipina Miss Universe At Aktres Na Si Miss Gloria Diaz Ipinasilip Ang Kanyang Naggagandahang Larawan Noon

Muling hinangaan ng mga netizens at tagahanga ng kauna-uanahang Filipinina Miss Universe – actress na si Gloria Diaz ang kagandahan niya, ng magbahagi siya ng kanyang mga throwback photos kamakailan lamang sa kanyang Instagram account.




Sa isang 20-seconds Intagram video, ay ipinasilip niya ang ilang mga naging pangyayari sa kanyang buhay, mula noong kanyang kabataan at pati ang buhay na niya ngayon.

Photo Credit: its.gloriadiaz/Instagram

Ilan sa mga larawan na makikita sa nasabing video, ay ang naging buhay niya noong sumabak siya sa beauty pageant, pagtahak niya sa mundo ng showbiz, at ang pinili na niyang personal na pamumuhay ngayon.

Photo Credit: its.gloriadiaz/Instagram

Isang pang beauty and brain caption naman ang inilakip niya sa video niyang ito, kung saan ay kanyang sinabi na; “

Photo Credit: its.gloriadiaz/Instagram

Do not live in the past they say but it is nice to reminisce so no amount of plastic surgery will ever bring back youth so one should focus on true friends’ honest siblings, happy and kind kids and most impt. Loving partner be that it may totally yours or shared”

Photo Credit: its.gloriadiaz/Instagram

Matatandaan na isa si Gloria Diaz sa mga nagbigay ningning at karangalan sa ating bayan sa larangan ng beauty pageant, at ito nga ay noong makamit niya ang korona at titulo Miss Universe noong taong 1969, na siyang taon rin unang pagtapak ng tao sa buwan.

Photo Credit: its.gloriadiaz/Instagram

Si Gloria Diaz nga ang kauna-unahang Filipina na itinanghal na Miss Universe.
Maliban pa sa kanyang pagiging isang beauty queen, ay tinagurian rin siya sa mundo ng showbiz bilang ang “Pinakamagandang babae sa balat ng lupa”, ito ay dahil sa kanyang angking kagandahan, na talagang hinahangaan ng marami.




Samantala, ngayong sumapit na ang taong 2021, ay halos nasa 52-taon na nga ang lumipas mula ng koronahan bilang Miss Universe si Gloria Diaz.

Photo Credit: its.gloriadiaz/Instagram

Ngunit ang kanyang naging pagpakapanalo sa nasabing beauty pageant ay hindi lamang nagtapos sa taon kung kailan siya nanalo, sapagkat hanggang ngayon, ay isa pa rin siya sa mga tinitingala at hinahangaan ng marami bilang isang beauty queen-actress.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *