Unica Hija Nina Lucy Torres At Richard Gomes Na Si Juliana Gomez Tunay Na Kahanga Hanga Ang Kagandahan

Isa ng napakagandang dalaga ngayon ang nag-iisang anak ng mag-asawang Lucy Torres at Richard Gomez na si Juliana Gomez.Tulad ng kanyang mga magulang, ay hindi maikakaila na si Juliana ay nagtataglay din ng ka-charmingan, lalo na nga ngayon na siya ay dalaga na. Makikita sa Instagram ng anak nina Richard at Lucy na si Juliana ang mga luxurious OOTD nito sa kanyang effortless style, at maging ang kanyang sophisticated beauty kahit pa nga ba simple lamang ang kanyang makeup.




Matatandaan na bago pa man magkaroon ng quarantine sa ating bansa gawa ng pinagdaanan nating krisis, ay madalas ngang magbahagi si Juliana sa kanyang social media account ng mga kaganapan sa kanyang buhay, kagaya na nga lamang ng mga pag-attend niya sa mga events kung saan ay mga nagagandahang casual wear o long gown ang kanyang sinusuot habang naglalakad nga sa red carpet.

Photo Credit: gomezjuliana/Instagram

Madalas din na ibahagi ng dalaga ang kanyang mga travel at adventure sa iba’t ibang mga lugar o bansa kasama ang kanyang pamilya o di kaya naman ay mga kaibigan.
Samantala, nito lamang nakaraan ay nagbigay pasilip naman si Juliana sa kanyang mga follower’s ng kanyang personal at pribadong buhay kasama ang kanyang pamilya.

Photo Credit: gomezjuliana/Instagram

Ibinahagi ng dalaga ang mga ginagawa niyang aktibidad kasama ang kanyang mga magulang, katulad na lamang nga ng pagkuha nila ng mga larawan sa mga bahagi ng kanilang tahanan. Makikita nga sa mga larawan na ito ng dalaga ang kanyang simple at elegant OOTDs at makeup look kahit siya’y nasa kanila lamang tahanan.

Photo Credit: gomezjuliana/Instagram

Hindi naman makapaniwala si Lucy na ang dating baby girl pa lamang niya na kanyang unica hija ay ganap ng dalagang dalaga ngayon na hinahangaan na rin ng marami.
Sa kanyang pagiging isang ganap dalaga ay sinundan ni Juliana ang yapak ng kanyang ina sa pagiging modelo, kung saan ilan na ngang mga magazine cover ang kanyang naging proyekto.

Photo Credit: gomezjuliana/Instagram

Makikita pa nga sa ilan pang mga larawan ni Juliana na kahit siya ay walang make-up ay tunay ngang kabigha-bighani ang kanyang angking kagandahan, at ito ay hindi naman nakapagtataka dahil na rin sa parehong maganda at gwapo ang kanyang mga magulang.

Photo Credit: gomezjuliana/Instagram




Kamakailan nga lamang ng magbahagi ang dalaga ng isa niyang beach photo ay agad itong umano ng paghanga sa marami, dahil sa taglay niyang kagandahan at kaseksihan suot ang isang black one piece swimsuit.Dahil sa taglay na kagandahan at karisma ni Juliana, hindi na tayo magtataka kung balang araw ay pasukin niya din ang mundo ng showbiz at maging isa rin sa mga sikat na butuin sa industriya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.