Unica “Only Child” Nina Gretchen Barretto At Tonyboy Cojuangco Na Si Dominique Engaged Na

Pangarap ng maraming mga kababaihan ang maikasal sa taong kanilang minamahal, kaya naman labis ang kagalakan na nadarama ng isang babae kapag ang lalaking kanyang minamahal ay inalok siya ng kasal sapagka’t ibig nitong sabihin ay makakasama na niya habang buhay ang taong kanyang pinapangarap at pinakamamahal.




Ganitong-ganitong kagalakan ang ngayon ay nadarama ng ‘only child’ nina Gretchen Barreto at Tonyboy Cojuangco na si Dominique, sapagkat ang non-showbiz boyfriend niyang si Michael Hearn ay inalok na siya ng kasal.

Photo Credit: dominique/Instagram

Noon ngang ika-14 ng Oktubre ay masayang ibinahagi ni Dominique sa kanyang Instagram post ang pagiging engaged na niya sa kanyang non-showbiz boyfriend. Ibinahagi niya ang ‘sweet photo’ nila ng kanyang nobyo, at sa isa pang larawan ay ipinakita naman niya ang kanyang engagement ring na talaga namang napakaganda at mukhang mamahalin.

Photo Credit: dominique/Instagram

“For Life”, ito naman ang naging simpleng caption ni Dominique sa kanyang IG post, isang maikling salita ngunit punong-puno naman ng kahulugan para sa kanilang magkasintahan.

Photo Credit: dominique/Instagram

Agad namang bumuhos ang pagbati sa post na ito ni Dominique, kung saan marami sa mga kaibigan niya sa industriya ng showbiz ang ibinahagi ang kanilang kaligayahan para sa dalaga na naghahanda na nga sa panibagong journey ng kanyang buhay dahil sa nalalapit niyang pagpapakasal.

Photo Credit: dominique/Instagram

Ilan nga sa mga personalidad sa showbiz na nagpaabot ng kanilang pagbati kay Dominique ay sina Laureen Uy, Isabelle Daza, Iza Calzado, Dominique Roque, Liz Uy at marami pa ngang iba.

Makikita rin na nagbigay ng komento ng pagbati ang tiyahin ni Dominique na si Claudine Barreto; “Congratulations my Baby. So happy for you [three hearts emojis]”, mensahe ni Claudine para sa pamangkin.

Samantala, sa Instagram naman ng non-showbiz boyfriendni Dominique na si Michael ay makikita ang naging pagbabahagi rin nito ng ‘sweet photo’ nila ng kasintahan, at ito naman ay kanyang nilakipan ng caption na;

“On to the next chapter with Dominique.” Ayon sa ilang mga ulat na lumabas, taong 2019 ng lumabas sa publiko ang relasyon ng magkasintahan. Ang relasyon nila ay low-key, ito nga ay dahil mas nais nilang maging pribadong dalawa.




Ang non-showbiz boyfriend ni Dominique na si Michael Hearn ay isang businessman. Makikita naman sa kani-kanilang Instagram accounts na pareho silang mahilig mag-travel.
Sa kasalukuyan ay wala pang lumalabas na detalye kung kailan magaganap ang pag-iisang dibdib ng dalawa, ngunit sa kabila nito, ay talaga namang marami na ang nag-aabang ng kanilang magiging kasal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *