Isa ng gwapong binata ngayon ang unico hijo ni Jodi Sta. Maria na si Thirdy.
Napakabilis nga naman ng paglipas ng panahon, dahil may mga bagay bagay sa ating kapaligiran na hindi natin namamalayan, kagaya na lamang nito ng mabilis na pagbibinata ng anak ng Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria, na si Thirdy. Talaga namang ‘Baby no more’ na, dahil ang baby Thirdy noon ni Jodi, ngayon nga ay isa ng gwapong binata.
Batid naman ng publiko na isang ‘single mom’ ang Kapamilya actress, kung kaya naman talagang iba ang bonding at closeness nila ng anak niyang si Thirdy. Anak ng award winning actress si Thirdy sa kanyang dating asawa na si Panfilo Lacson Jr., kung saan ang tunay ngang pangalan ng kanyang anak ay Panfilo Lacson III na isinunod nga sa pangalan ng ama nito.

Sa kabila ng pagiging abala ni Jodi sa kanyang trabaho bilang isang aktres, ay hindi naman siya nagkukulang ng oras at panahon sa kanyang anak na si Thirdy. Makikita nga sa social media ng aktres ang madalas niyang pagbabahagi ng mga bonding moments nila ni Thirdy, at ang anak nga niyang ito ang kanyang travel buddy.

Kamakailan nga lamang, ay nagkaroon ng pinaka-latest na travel bonding ang mag-ina, kung saan ay nagtungo nga sila sa Boracay at doon nag-enjoy sa white beach. Ito nga ay matapos maging abala ni Jodi sa kanyang mga proyekto, kaya naman ng magkaroon ng oras ng pahinga sa trabaho, ay sinulit ito ng aktres na makasama at maka-bonding ang kanyang anak sa isa na namang bakasyon.

Makikita naman sa mga bagong post nga na ito ni Jodi sa kanyang social media account, na ang anak niyang si Thirdy ay talaga namang binata na ngayon. Kapansin-pansin din na mas matangkad pa nga ito kaysa sa Kapamilya actress.

Talaga namang ‘time flies so fast’, at kamakailan nga lamang din ay nabalita na si Thirdy ay mayroon ng girlfriend, at naloka nga dito si Jodi dahil sa ang kanya ngang ‘baby’ lamang noon ngayon ay binata na. Wala namang lumabas na ibang detalye patungkol sa kung sino ang nobya ni Thirdy.
Sa ibang mga larawan ni Thirdy, ay masisilayan na man na talagang siya ay binatang-binata na, ngunit sa kabila nito ay hindi naman nagbabago ang turing sa kanya ng ina niyang si Jodi, at siya pa rin nga ang nag-iisang ‘baby’ ng Kapamilya actress.