Unkabogable Star Vice Ganda Ipinasilip Sa Madlang People Ang Kanyang Mansyon

Kamakailan lamang Iay ipinasilip ng isa sa pinakasikat at popular na komedyante sa Philippine showbiz na si Vice Ganda, ang pinakabagong ari-arian na kanyang naipundar. Ito nga ay ang kanyang bagong bahay, kung saan ay ipinakita niya ito sa kanyang latest video vlog.



Marami sa mga netizens at tagahanga ng komedyante ang talaga namang napa-wow at napahanga sa bagong bahay ni Vice Ganda. Paano ba naman, mala-mansiyon ang laki nito, sa sukat nitong 1,300 sq.m at talaga namang napaka-moderno nito, mapa-loob o labas man.
Image Credit via YouTube
Ayon nga kay Vice, ang lupang kinatitirikan ng kanyang bagong bahay, ay binili niya para sa kanyang Lolo. Ngunit dahil sa biglang pagpanaw nito, ay hindi na muna itinuloy ni Vice ang pagpapagawa ng bahay dito, hanggang sa ilang taon nang matengga ang lupaing ito.
Image Credit via YouTube
Ngunit kahit pa nga natengga ng ilang taon ang nasabing lupain, ay hindi naman ito nagawa ng ibenta ng komedyante. Ito ay dahil sa nanghihinayang rin siya rito, at talaga namang maganda magpagawa ng bahay sa naturang lugar.
Image Credit via YouTube
At ngayon nga, ay natuloy na ang pagpapatayo ni Vice sa lupain niyang natengga ng ilang taon, at ang bahay ngang ito na kanyang ipinagawa ay halos nalalapit ng matapos ang kabuuan at maaari na niyang lipatan anong oras man niya naisin.
Image Credit via YouTube
Ayon nga kay Vice, dapat ay nakalipat na sila sa bagong bahay na kanyang ipinagawa, ngunit dahil sa pagkakaroon ng p*ndemya, ay hindi natuloy ang plano nilang paglilipat-bahay.
Image Credit via YouTube
Hindi naman napigilan ni Vice ang ma-excite sa kanyang bagong bahay. Kaya naman, binisita niya ito kamakailan lang, kasabay ng pagpapakita na rin niya nito sa kanyang mga tagahanga.
Image Credit via YouTube
Isang house tour nga ang ginawa ni Vice, kung saan ay pinakita niya ang iba’t ibang bahagi ng kanyang bagong bahay, na maging siya ay namangha sa sobrang laki, ganda at moderno nito.
Image Credit via YouTube
Makikita sa unang bahagi ng video ang naging pagpapakilala ni Vice sa mga taong tumulong sa kanya upang maging maganda ang kanyang bahay. At ayon pa nga sa kanya, ang mga tao ring ito ang nag disenyo ng bahay ng kanyang kaibigan at co-host sa It’s Showtime na si Vhong Navarro.
Image Credit via YouTube
Sa naging pagpasok nga ng kabahayan ay bumungad agad ang tila mga bagong kagamitan para sa bagong bahay ni Vice, dahil marami sa mga ito ay nakabalot pa. Isa sa mga ipinakita at binigyang atensyon ni Vice sa kanya kagamitan para sa kanyang bagong tahanan ay ang isang malaking kabayong figurine, na ayon sa komedyante ay isang lampshade na nabili niya sa ibang bansa.
Mapapansin naman sa buong estraktura ng bahay ng komedyante na ang kabuuan nito ay halos gawa sa bato, metal at glass.
Nilibot nga ni Vice ang buong bahay, kung saan ay isa-isa niyang ipinakita sa kanyang vlog ang iba’t ibang parte ng kanyang bagong bahay na talaga namang nakakamangha.
Isa pa nga sa mga ipinakita ni Vice, ay ang pagkakaroon ng elevator sa bago niyang bahay, kung saan ayon sa kanya, ay ipinahayag niya ito upang hindi mahirapan ang kanyang ina, na magtungo sa iba pang palapag ng bahay.



Ang bagong bahay nga na ito ng komedyanteng si Vice Ganda ay mayroong malawak na Den, na nagsisilbing entertainment room, dalawang malawak na guestroom, dining area, clean kitchen, dirty kitchen, ilang mga storage room, maid quarters, driver at security guard quarters, at isang lugar kung saan nagsisilbing paliguan para sa kanyang mga alagang aso.
Isa nga sa mga talagang nakakahanga sa napakagandang bagong tahanan ni Vice, kung saan magaling siya ay namangha, ay ang pinakamalawak na dirty kitchen ng kanyang bahay, dahil sa talaga namang napakalawak nito, at tila kusina ng nagke-catering service.
Ilang mga magagarang kagamitan naman ang makikita sa clean kitchen ng bagong bahay ni Vice, katulad na lamang ng mamahaling ref at ang “Dumbwaiter”, kung saan ito talaga ang nakapagpa-wow sa marami dahil ito ay tila isang maliit na elevator na ayon kay Vice ay naka-connect sa kanyang kwarto, na maghahatid sa kanya ng pagkain upang kapag nais niyang kumain, ay hindi na mapapagod pa ang kanyang mga kasambahay na ihatid pa ito sa kanyang silid.
Hindi rin naman mawawalan ng pool area sa bagong bahay na ito ni Vice, kung saan ay talaga namang nakakamangha ito ni Vice, dahil sa mala-hallywood ang disenyo nito at ito ay gawa lahat sa glass. Ayon pa nga kay Vice sa gilid ng swimming pool ay magkakaroon rin ng Jacuzzi.
Ibinahagi pa nga ng komedyante na ang kanyang malaking bagong bahay ay mayroong Groto, kung saan ay ng nabili niya ito ay talagang naroon na umano ang nasabing Groto, at ito ay hindi niya ipinatibag, at inayos at pinaganda na lamang ito.



Samantala, pansamantala, ay ito lamang nga ang naging pasilip ni Vice sa kanyang bagong bahay. Ngunit ayon sa komedyante, ay mayroon pang magiging part 2 ang kanyang house tour, dahil ipapakita niya pa ang kanyang master’s bedroom, at ang kanyang walk-in closet, kung saan ito umano ang isa sa pinaka malawak na silid sa loob ng kanyang bagong bahay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *