Usap-Usapan Ngayon Sa Social Media Ang Mga Larawan Nina Kiray At Kanyang Boyfriend

Alam nating lahat na ang aktres na si Kiray Celis ay happy sa kanyang Lovelife ngayon, kapiling ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Estephan Estopia.

Photo Credit: kiraycelis/Instagram




Hindi naman lingid sa ating lahat kung gaano kasaya si Kiray sa kanyang buhay pag-ibig, matatandaan pa nga na noong nakaraang Araw ng mga Puso (Valentines Day) ay pinatunayan ng nasabing Kapuso actress kung gaano niya kamahal ang kanyang nobyo ngayon sa pamamagitan ng isang sorpresa para rito.

Photo Credit: kiraycelis/Instagram

Ngayon nga ay muli namang naging usap-usapan si Kiray at ang kanyang non-showbiz boyfriend sa social media ito ay matapos ibahagi ng aktres ang kanilang mga larawan na animoy parang isang prenuptial photoshoot ang dating.

Photo Credit: kiraycelis/Instagram

Makikita sa mga larawan ang sweet na sweet na mga pose ng dalawa, kaya naman marami agad amg nagtanong na mga netizens at tagahanga ng actress kung nalalapit na ba ang pagpapakasal nito sa nobyo.

Photo Credit: kiraycelis/Instagram

Agad naman itong nilinaw ng aktres sa kanyang post, na ang mga sweet photos nila ng kanyang nobyo ay hindi isang prenuptial photoshoot.

Photo Credit: kiraycelis/Instagram

Narito ang post ni Kiray, na nagbibigay linaw kung photoshoot ba ito o hindi;
“Sabi nga nila one day, I will travel the whole world with the person I love the most. NATUPAD NA NGA!!!” Walang passport at visa, walang problema. Malikot mo ang buong mundo sa @torres_farm. Sa Naic, Cavite lang po ito”

Photo Credit: kiraycelis/Instagram

“At since lahat ng sulok sa lugar na to eh instagramable. Meron silang day tour para sa inyo. Magandang location din ito para sa tiktok mo! Hahahahahahaha”




“Kami ng family ko nag overnight kami. Kasama ng mga friends namin. Kaya para sa mga walang lovelife, pwedeng pwede niyo yayain ang pamilya o kaibigan niyo”
“Btw, hindi ito prenup. HAHAHAHAHAHAHAHAHA…..”

Malinaw nga sa isinaad ng aktres na si Kiray na ang mga larawang ito ay hindi isang prenup, kundi mga larawan na kuha lamang sa naging bakasyon nilang magpapamilya kasama ang ilan pang mga kaibigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *