Kamakailan lamang sa Instagram account ni Kapuso actress Valeen Montenegro na @valeentawak, ay masaya niyang ibinahagi ang mga larawan niya kasama ang kanyang boyfriend, at ito ay bilang bahagi nga ng pagdiriwang nilang magkasintahan ng kanilang anibersaryo.
Makikita nga na ang ibinahaging larawan na ito ni Valeen sa kanyang IG ay ilan lamang sa mga capture moments nila ng kanyang boyfriend, kung saan kinunan nga ito sa isang mataas na lugar na may magandang tanawin na tila nga sila nag-hiking.
Ang IG post na ito ni Valeen ay kanyang nilakipan ng caption ng maikli niyang mensahe para sa kanyang boyfriend.

“I love loving you. Happy anniversary @rielmanuel [red heart emoji”, mensahe ni Valeen nsa kanyang caption. Talaga namang kitang-kita na happily-inlove ngayon ang aktres, lalo na’t makikita sa larawan nila ng kanyang boyfriend ang napakatamis nilang samahan, dahil sa bawat larawan nga ay madalas silang magkayakap at magkaakbay nito.

Samantala, maliban sa larawan nila ng kanyang boyfriend, ay mayroon ding mga selfie photo si Valeen, maging ang boyfriend nito, kung saan ay masusulyapan nga ang kanilang natural na kagandahan at kagwapuhan, dahil sa ito ay isang close up photo. Kitang-kita nga sa mga ngiti ng magkasintahan kung gaano sila kasaya sa piling ng isa’t isa.

Agad namang nagbigay ng komento ang mga netizens at maging mga kasamahan ni Valeen sa showbiz sa ‘sweet photos’ nila ng kanyang boyfriend. Mababasa nga sa mga komento ang naging pagbati ng mga ito ng kasiyahan para sa pagdiriwang ng anibersaryo ng magkasintahan.

Ilan sa mga personalidad sa showbiz na nagbigay ng kanilang komento ay sina Lovie Poe ar Yasmien Kurdi. “Grabe yung I love loving you[red heart emoji]”, komento naman ng aktres na si Feleo. “Happy Anniversary [emoji with heart eyes], ang naging pagbati ni Benj Manalo para sa magkasintan.
Si Valeen Montenegro ay isang Filipina actress, comedian at modelo, na nagsimula sa industriya ng showbiz noong taong 2006. Dahil sa kanyang husay sa pag-arte maging sa pagpapatawa ay marami na rin ang kanyang naging proyekto na naging daan nga para patuloy siyang manatili sa kanyang karera. Isang Filipino Business Professional ang boyfriend ni Valeen na si Riel Manuel, at ang kanilang magandang relasyong dalawa ay nagsimula noong taong 2018.