Valerie Concepcion Ibinahagi Ang Kanyang Naging Karanasan Sa Pagiging Isang Single Mom Sa Edad Na 16

“Nagmahal, Iniwan, Nasaktan, at muling Nagmahal at Lumigaya” ito nga ang naging kwento ng buhay pag-ibig ng aktres na si Valerie Concepcion.



Sa “Magandang Buhay” episode ay ikinuwento ni Valerie Concepcion, kung paanong sa kanyang murang edad na 16-taong gulang ay umibig siya at nasaktan.
Photo Credit: v_concepcion/Instagram
Sa edad niya ring ito ay naging isang batang-ina siya dahil sa siya ay nabuntis ng kanyang ex-boyfriend, kung saan ay wala siyang ibang naging choice noon kung hindi ang maging responsable at matatag sa kabila ng kanyang naging kabiguan sa pag-ibig.
Photo Credit: v_concepcion/Instagram
“Tinago ko [sa parents ko] na may boyfriend ako, tapos biglang buntis na nga. Habang buntis pa ako, kinukulong ako sa bahay kasi natatakot sila na baka nakipagtanan ako. Kasi in-love talaga ako noon sa tatay ng anak ko”, ang naging pagbabahagi ng ng 31-taong gulang na aktres.
Photo Credit: v_concepcion/Instagram
Ayon din kay Valerie, ay ninais ng kanyang boyfriend noon na pakasalan siya at panagutan ang kanyang ipinagbubuntis, ngunit dahil sa napakabata pa nga niya at menor de edad pa, ay hindi pumayag ang kanyang mga magulang.
Photo Credit: v_concepcion/Instagram
“Sabi nila, Pag 18 na siya at nasa legal age na siya, pwede siyang magpakasal, kung gusto pa niyang magpakasal, bumalik ka na lang.” Ang sinabi umano ng mga magulang ng aktres sa ama ng kanyang ipinagbubuntis.
Photo Credit: v_concepcion/Instagram
Hinintay umano ng aktres ang pagbabalik sa kanyang buhay ng ama ng kanyang anak, ngunit tila wala na itong balak bumalik pa sa buhay nilang mag-ina. Kaya naman ng ma-realize ng aktres na tila hindi na talaga ito babalik, sa kabila ng kabiguan at sakit na kanyang nadarama ay ito ang ginamit niyang lakas upang makabangon at masuportahan niya ang kanyang anak.
Photo Credit: v_concepcion/Instagram
“Sabi ko sa sarili ko, kung wala ako aasahan, kailangan sa sarili ko, magtrabaho na ako, kasi may buhay na akong susuportahan e. So, automatic, yung mother’s instinct ko lumabas,” saad pa ng aktres.
Photo Credit: v_concepcion/Instagram
Kwento pa ni Valerie, isa rin sa mga dahilan kung bakit nakayanan niya ang maging isang single mother sa kanyang edad na 16 ay dahil hindi siya iniwan at pinabayaan ng kanyang mga magulang.
Photo Credit: v_concepcion/Instagram
Ngayon nga, ang anak ni Valerie na si Heather Fiona ay isa ng teenage sa edad nito na 14-taon. Ibinahagi rin ng aktres sa kanya na ang kanyang anak ay very open sa kanya, marahil dahil sa naging open rin siya rito dahil simula’t sapul ay hindi niya inilihim dito ang tunay na pagkatao ng ama nito.
“Ngayon na teenager na sya, hindi sya nagsi-sikreto sa akin and I’m so thankful. At least maga-guide ko sya nang tama. Mas malaki yung tsansa na hindi nya maulit yung mga pagkakamali ko sa buhay.”
Taong 2018 naman ng magsimula ang halos lahat ng magagandang pangyayari sa buhay ni Valerie, dahil sa taong ito ay nakapagtapos ang aktres sa kolehiyo sa kursong Bachelors of Arts degree in Psychology.



Sa parehong taon rin, ay naging maganda ang takbo ng buhay pag-ibig ng aktres dahil ang kanyang 2-years non showbiz boyfriend na si Francis Sunga na nagtatrabaho bilang court clek sa Guam ay nag-propose sa kanya.
Noon ngang December 28 ng nakaraang taon ay ikinasal na si Valerie kay Francis, at ang dalawa nga ay masaya ng nagsasama ngayon bilang mag-asawa.
Mula nga sa kanyang pagkakadapa noon, ay muli ngang nakabangon ang aktres, kung saan ang kanyang pamilya at career ay pareho na niyang naisaayos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *