Valerie Concepcion Ipinasilip Ang Kanyang Tropical Themed Bridal Shower

Ibinahagi ng Kapuso actress na si Valerie Concepcion ang kaganapan sa kanyang nakakamanghang bridal shower. Sa kanyang Instagram ay nagnahagi ang 31-year-old na si Valerie ng mga larawan na kuha sa ginanap na bridal shower para sa nalalapit niyang kasal na mangyayari na sa taong 2020.

Photo Credit: v_concepcion/Instagram




Nitong December 14 araw ng Sabado, ay nagpost si Valerie ng mga larawan na kuha sa kanyang bridal shower na kung saan ay dinaluhan ng kanyang malalapit na kaibigan.
Base sa mga larawang kanyang ibinahagi, ang kaganapang ito ay ginanap sa Polish Nail Hand and Foot Spa sa Ayala Vertis North, Quezon City.

Photo Credit: v_concepcion/Instagram

 

Ang nasabing spa/salon ay isa sa mga kilalang salon dito sa ating bansa dahil sa maingat at maayos na pag-aalaga nila sa kanilang mga customers.Batay sa isang post ni Valerie, ang nag organize ng kanyang Bridal Shower ay si Charisse Tinio ng Nice Print Photography kaya’t nagpapasalamat siya dito dahil napakaganda ng kinalabasan ng kanyang bridal shower.

Photo Credit: v_concepcion/Instagram
Photo Credit: v_concepcion/Instagram

Ilan sa mga bisitang naroon na dumalo ay ang isa sa mga kaibigan ni Valerie na si Ara Mina, na kung saan ay may larawan silang dalawa.

Photo Credit: v_concepcion/Instagram

May larawan ding ibinahagi si Valerie na kasama niya ang kanyang anak na si Heather Fiona sa nasabing pagdiriwang, at marami sa kanyang mga tagahanga ng nagulat at namangha dahil ganap na umanong dalaga at napakaganda ang niyang ito. Si Heather Fiona ay isa ng 15 years old at totoo nga na napakaganda nito katulad ng kanyang ina.

Photo Credit: v_concepcion/Instagram

Ilan sa mga netizens na nagbigay ng komento ay sinabing parang halos magkapatid lang si Valerie at ang anak nito. Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens sa mga larawang ibinahagi ni Valerie; “Parang magkapatid lang talaga. Anb teka? Sino ba ang ate dito?”

Photo Credit: v_concepcion/Instagram

“The first photo is your daughter am I right? Na confuse ako kaya nag browse pa ako ng photos mo in Ig. She’s all grown up into a beautiful lady. Parang magkapatid lang!”
“You look so inlove Ms. @v_concepcion congratulations and God bless you more!”

Photo Credit: v_concepcion/Instagram

Matatandaan na noong August 2018 in anunsyo ni Valeria ang kanyang pagiging engage sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Francis Sunga. Ang kanilang relasyon ay long-distance dahil si Grancis ay nagtatrabaho sa Guam bilang isang court clerk.




Ngunit kahit pa nga long distance ang nasabing relasyon ng dalawa ay napanatili nilang matibay ang kanilang relasyon, kaya’t heto nga at malapit na silang ikasal. Taong 2017 ng magkakilala si Valerie at si Francis ng dahil sa kanyang kaibigan na pinsan ni Francis.
Nakakamangha nga ang ganda ng mga dekorasyon sa naganap na bridal shower ni Valerie Concepcion at makikita sa mga larawan ng aktres ang kanyang lubos na kaligayahan para sa nalalapit niyang kasal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *