Vice Ganda Hiling Ng Kanyang Ina Na Magka Anak Para May Magmana Umano Ng Mga Naipundar

Isa sa pinaka popular na TV host-comedian actor ngayon ay ang Unkabogable Star na si Vice Ganda. At batid natin na sa ilang taong pamamayagpag ng kanyang karera sa industriya ay talaga namang marami na rin ang naipundar ni ng ari-arian.




At dahil nga sa tagumpay ni Vice, kung saan marami na siyang naipundar ay may kahilingan sa kanya ang kanyang inang si Nanay Rosario Viceral. Ang hiling nga na ito ni Nanay Rosario sa kanyang anak na si Tutoy (tawag ni nanay Rosario kay Vice), ay ang maisip nito na magkaroon ng anak, para mayroon itong makakasama sa pagtanda nito at mayroon ding magmana sa mga naipundar nitong ari-arian.

Photo Credit: praybeytbenjamin/Instagram

Sa latest vlog nga ng It’s Showtime host ay diretso ang sinabi ni Nanay Rosario ang kahilingan niyang ito para sa kanyang anak.

Photo Credit: praybeytbenjamin/Instagram

“Gusto ko anak, kasi iniisip ko, sayang itong mga naipundar mo anak na walang magmamana. Kanino naman mapupunta ito, kami naman ay patanda na”, ang naging saad ni Nanay Rosario.

Photo Credit: praybeytbenjamin/Instagram

Dagdag pa ni Nanay Rosario, maliban sa dalawang pamangkin ni Vice, ay mas mainam pa rin kung mayroon itong sariling anak na pagmamahal nito ng lahat ng kanyang naipundar.

Photo Credit: praybeytbenjamin/Instagram

Nabanggit pa ni Nanay Rosario, ang tungkol sa pagkakaroon ng anak ng super rich na gay businessman na si Joel Cruz, na batid nga natin na sa kabila ng pagiging isang gay nito ay napakarami nitong mga anak at cute na cute pa, at ito nga ay nangyari sa pamamagitan ng pag gamit nga ng siyensya na kung tawagin nga ay IVF o In Vitro Fertilization.

Si Joel Cruz ay ang gay businesswoman na nagmamay-ari ng isang malaki at sikat na perfume company, at sa tulong nga ng IVF ay nagkaroon siya ng walong anak (4 na kambal).

“Kaya nga nung si Joel Cruz, nabalitaan ko, sabi ko ‘ Ay naku, sana si Tutoy ganito rin. Ang Ku-kyut ng mga anak niya”, sey nga ni Nanay Rosario.
Ibinahagi rin ni Nanay Rosario, kung sino ang nais niyang magdala ng magiging baby ni Vice, kung sakali man nga na kaisipan nito na subukan ang IVF.

“Kaye Abad. Gusto ko siya, kasi simpleng simple lang siya”, diretsahang saad ng ina ng Unkabogable star. Nang marinig nga ni Vice ang isinasaad ng kanyang ina ay ito naman ang naging sey ng komedyante.

“Kaye Abad, alam mo na. Baka naman pwede nating pagbigyan ‘ang nanay ko” ang naging biro nga ng Phenomenal Box Office star.




Sa ngayon nga ay batid ng marami na ka-live in ni Vice Ganda ang kanyang boyfriend na si Ion Perez. At going strong nga ang kanilang relasyon dahil sa ipinagdiwang na nila ang kanilang ika-2nd anniversary noong buwan ng Oktubre ng nakaraang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *