Vice Ganda Ibinahagi Ang Dahilan Kung Paano Niya Napatunayan Ang Pagmamahal Sa Kanya Ng Nobyong Si Ion Perez

Ang comedian/host na si Vice Ganda ay kilala ng nakararami dahil sa kanyang mga nakakatuwang jokes at mga pick-up lines. Napapanood siya sa noontime show na “Its’ Showtime” ng ABS-CBN at sa weekend variety show na “Gandang Gabi Vice”.

Photo Credit: praybeytbenjamin/Instagram




Hindi nabibilang ang tagahanga at iniidolo sa comedian/host, dahil hindi lang siya sa pagpapatawa magaling kundi isa rin siya sa mga sikat na personalidad na may mabuting puso at marami na rin ang kanyang natulungan.

Photo Credit: praybeytbenjamin/Instagram

Sa kanyang katanyagan sa industriya ng showbiz, ay hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na siya ay nagkaroon ng mga relasyon na hindi niya isinapubliko upang maiwasan na sila ay mapag-usapan ng kanyang partner at maging pribado ang kanilang relasyon.

Photo Credit: praybeytbenjamin/Instagram

Ngunit ayon kay Vice, marami sa kanyang mga naging nakarelasyon ang hindi sinuklian ng pagmamahal ang pagmamahal na inilaan niya sa mga ito. May mga pick-up lines at jokes siya minsan na kung saan ay may mga hugot. Ilang beses na rin niya naranasan na iwan at lokohin siya ng mga taong minamahal niya.

Photo Credit: praybeytbenjamin/Instagram

Sa ginanap na press conference para sa pelikulang “The Mall The Merrier”, ay nasabi ni Vice na “Maraming pagkakataon in my past may minamahal din naman ako, pero hindi naman ako minahal. May mga taong pinili ko, pero hindi naman ako ang pinili”, saad ng comedian/host.

Photo Credit: praybeytbenjamin/Instagram

Ngunit ngayon, ayon kay Vice ang kwento ng kanyang love story ay nagbago na. ito ay naging mas masaya at mas makulay ng makilala niya ang kanyang partner ngayon sa buhay na si Ion Perez.

Ibinahagi ni Vice sa nasabing Press Con kung paano niya nasabing si Ion Perez na nga ang nakalaan na taong makakasama niya.
Ayon kay Vice ngayon ay masaya siya dahil ang taong pinili niyang mahalin ay minahal din siya,.

Ilan din sa mga hindi niya makakalimutang sinabi ni Ion sa kanya ay noong tinanong siya nito kung bakit hindi maaaring sabihin sa iba ang relasyon nilang dalawa. Na hindi umano matanggap nito na hindi nila pwede sabihin sa nakararami ang tungkol sa kanila, na kung saan naramdaman ni Vice ang sincerity sa mga salitang iyon ni Ion at narealize niya na kung hindi siya mahal ni Ion hindi ito masasaktan sa pagtatago nilang ito.

At ayon nga kay Vice, doon niya narealize na si Ion Perez na nga ang kanyang “The One”. Dahil si Ion ay kaya siyang panindigan na kayang ipagsigawan sa nakararami ang totoong nararamdaman nito para sa kanya.

At si Ion lang din ang lalaking kayang hawakan ang kanyang kamay kahit maraming mata ang nakatingin at kaya siyang yakapin kahit pa sa ating mundo ay maraming tao ang hindi makakaunawa o makaka intindi.




Hindi nga matatawaran ang saya ng puso ni Vice Ganda, ngayon na siya ay may Ion Prez na sa kanyang buhay. Ayon pa din kay Vice silang dalawa ni Ion ay 13-buwan ng magkarelasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *