Vice Ganda Ipinasilip Ang Kanyang Mga Bonggang Unkabogable Sneakers Collection

Muling nagbahagi sa kanyang YouTube channel ng panibagong vlog ang Unkabogable star at It’s Showtime host na si Vice Ganda, matapos nga ang kanyang naging pagpapasilip ng kanyang walk in closet kamakailan lamang.




Kung atin ngang babalikan, ay nauna ng ipinakita ni Vice sa kanyang mga naging vlog ang kanyang mga koleksyon ng mga mamahaling mga bags.

Image Credit via YouTube

At sa pagkakataon ngang ito, ay ang kanyang “ShoePer” naman ang ibinahagi ng Unkabogable star sa kanyang latest video vlog, kung saan dito nga ay ibinida naman niya ang kanyang bongga sa dami na “sneakers collection.”

Image Credit via YouTube

Lingid sa kaalaman nating lahat, ay napakarami ngang mga sapatos ni Vice Ganda, kung saan ay mapansin ng natin na sa araw-araw na lumalabas siya sa programang It’s Showtime kung saan siya ang isa sa mga lead host,

Image Credit via YouTube

ay iba’t ibang klase nga ng mga sneakers ang kanilang sinusuot. Batid rin naman natin na ang mga ito ay talaga namang mga mamahalin.

Image Credit via YouTube

Sa video vlog ngang ito ni Vice, ay ibinahagi niya muna kung ano ang kaibahan ng sneakers sa ibang mga uri ng flat shoes. Samantala, inilahad naman ng It’s Showtime host, na isa siya sa mga personalidad na “sneakershead”, o yung tao ngang mahilig mangolekta ng iba’t ibang uri at brand ng sneakers.

Image Credit via YouTube

Matapos nito ay ipinakita ni Vice ang kanyang napakaraming mga sneakers, kung saan lahat nga ng mga ito ay original at syempre mamahalin.

Image Credit via YouTube

Ang una nga niyang ipinasilip ay kanyang magarang Nike Air Force 1 Supreme, sumunod naman ang Union X Air Jordan 4 OFF Noir, kung saan ay mayroon siyang dalawang pares nito na magkaiba ng kulay. Ang bawat pares umano ng kanyang Union X Air Jordan 4 OFF Noir ay nagkakahalaga nga ng Php12,495 bawat pares.

Image Credit via YouTube

Maliban sa sarili niyang koleksyon ng mga sneakers, ay nagawa ring ipasilip ni Vice ang mga sneakers ng kanyang jowang si Ion Perez, at ayon nga sa kanya, minsa ay naghihiraman sila ng sneakers lalo pa’t hindi naman nagkakalayo ang ‘size’ ng kanilang mga paa.

Image Credit via YouTube

Ibinida rin ni Vice na mayroon siyang Air Jordan Customized, kung saan ito nga ay maaari kang pumili kung ano ang disenyo na nais mo sa iyong sapatos.

Video Credit: Vice Ganda/YouTube

Mapapansin nga na karamihan sa mga sneakers ni Vice ay mga Nike, at hind inga nawala sa kanyang listahan ng Nike Air 1 High ID Gold edition. Napakarami ring mga Air Jordan collection ng unkabogable star.




Ilan nga sa mga Air Jordan Collection niya ay ang Jordan 1 High OG/RG Gold Toe at ang limited Air Jordan Retro High OG Banned. Talaga namang kamangha-mangha ang mga koleksyon ni Vice ng sapatos, dahil maliban sa mga branded ang mga ito, ay talaga namang panay mamahalin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *