Kamakailan lamang ay magkasamang nagbakasyon sa bansang Singapore ang couple na sina Vice Ganda at Ion Perez, kung saan hindi lamang ang pagsa-shopping ang ginawa nila sa naturang bansa, kundi binisita rin nila ang iba’t ibang mga restaurant doon at tinikman ang mga masasarap na pagkain.
Ang bansang Singapore ay hindi lamang dinarayo dahil sa magagandang tanawin sa naturang bansa, kundi dahil sa kilala rin ang kanilang lugar dahil sa ga yummy local foods.
Tunay namang halos lahat sa atin ay lubos ang kasiyahan sa tuwing tayo ay kumakain ng masarap na pagkain, kaya naman ang couple na sina Vice at Ion ay hindi nagawang tanggihan ang temptation na mapa-mukbang dahil sa mga masasarap na pagkain sa mga restaurants na kanilang pintuntahan.

Sa pinakabagong vlog na ibinahagi ni Vice sa kanyang YouTube channel na kanyang pinamagatang “VG is PG in SG” , ay mapapanood nga kung paano nila pinanggigilan ni Ion ang mga masasarap na pagkain sa mga restaurant na kanilang pinutahan sa Singapore.

Ang una ngang restaurant na pinunatahan nila ay ang ‘Jumbo Seafood’ kung saan ay na-enjoy nila ang pagkain ng chilli at black pepper crab. Matapos nito, ay sunod na pinuntahan nina Vice at Ion ang Henri Charpentier restaurant, kung saan ay sinubukan nga kumain ni Vice ng financiers, na ayon sa kanya ay isa nga sa mga ‘World Guiness Record Holder.’

Ikatlong restaurant naman na pinuntahan ng couple ay ang Hawkers Centre, na ayon kay Vice ay talagang gusting-gusto niya puntahan dahil dito umano minsang nag-shoot ang pelikulang ‘Crazy Rch Asians.’

“Iyong Hawkers na tinatawag dito sa Singapore, ‘yun iyong parang food court nila kung saan kumain sila dun sa Crazy Ruch Asians”, kuwento ni Vice. Kahit naman abala sa pagkain sina Vice at Ion, ay kitang-kita pa rin naman sa couple ang kanilang sweetness, kung saan ay napaka-cute nga nilang pagmasdan habang sweet na sweet na sinusubuan ang isa’t isa.

Siyempre, sa kabuuan din ng Singapore Trip na ito nina Vice at Ion ay hindi mawawala ang harutan at biruan, dahilan para mas lalo pa ngang maging masaya at memorable para sa kanila ang bakasyon nilang ito.
Hindi man nagawa nina Vice at Ion na mapasyalan ang iba pang mga magagandang lugar sa Singapore, ay ‘happy at contented’ naman ang couple sa naging trip nila na ito sa naturang bansa, sapagkat kanila ngang nasubukan ang iba’t ibang masasarap na pagkain doon.