Vice Ganda Kakaririn Ang Lahat At Plano Na Rin Magkaroon Ng Sariling Anak

Hindi napigilan ng manager-comedian na si Ogie Diaz na ilahad ang kanyang pagiging “excited”, ng malaman niya na gusto ng kaibigan niyang si Vice Ganda na magkaroon ng anak. Nagpasintabi nga si Ogie, kay Vice, dahil sa mas nauna pa umano niyang ibalita sa nakararami ang plano nito.




Sa bago nang vlog ni Ogie Diaz, ay ikinuwento nga nito, ang naging usapan nila ni Vice, tungkol nga sa pagkakaroon nito ng anak. At ito nga ay maaaring maging posible, sa tulong siyensya, kung saan ay marami ng mga kilalang celebrity ang sinubukan ito, at matagumpay na nagkaroon ng anak.

Photo Credit: praybeytbenjamin/instagram

Dagdag pa nga ni Ogie, sa naging pag-uusap nila ni Vice, ay tila nakumbinsi niya na ito. Saad pa nga ng comedian-manager, mas maganda na mayroong magmamana ng “sense of humor” ng dyowa na ito ni Ion Perez.

Photo Credit: praybeytbenjamin/instagram

Narito nga ang naging pagki-kwento ni Ogie, sa naging usapan nila ni Vice Ganda;
“Ka-text ko si Vice. Sabi ko, ‘Vice, karerin natin ‘yung anak mo. ‘Yung magkaroon siya ng anak.”

Photo Credit: praybeytbenjamin/instagram

Kwento pa nga ni Ogie, sinabi niya kay sa kaibigang host-comedian, na mas magandang ikalat nito ang lahi nito, lalo na ng at hindi maikakaila na matalino ito, at grabe ang taglay na sense of humor.

Photo Credit: praybeytbenjamin/instagram

“Siyempre may kilala akong doktor na ganoon, kaya hinimok ko si Vice. Sabi ko mag-ano ka, ikalat natin ang lahi mo. Si Vice kasi, matalino, grabe ang sense of humor, hindi ba? Mag-extend man lang noon”, saad ng ani Ogie Diaz.

Photo Credit: praybeytbenjamin/instagram

Dagdag pa nga ng manager ni Liza Soberano, na si Ogie Diaz, ay talaga namang excited siya para kay Vice, lalo na ng sabihin nito sa kanya na “Sige, karerin natin yan.”

Photo Credit: praybeytbenjamin/instagram

Ibinahagi pa nga ng manager-comedian, na siya ang sasama kay Vice, sa nasabing doktor, dahil siya ang nakakakilala rito. “Excited kasi ako for Vice talaga, sasamahan ko siya, sasamahan kita kasi kilala ko ang doktor.”

Photo Credit: praybeytbenjamin/instagram

Meron na silang nagawang ganoon, Ima-match mo lang ‘yung egg sa sperm ni Vice. So mamimili ka roon, sa Thailand yata ginagawa ‘yon. Mayroong mukha, tapos nakalagay dun lawyer, yung isa naman engineer, ‘yung isa naman doktor, mga ganoon.”

Photo Credit: praybeytbenjamin/instagram

Ayon pa nga kay Ogie Diaz, ay talaga namang maging henyo ang anak ni Vice kung ang magiging ina nito ay talaga naman magaling rin, lalo pa’t si Vice ay talaga namang napakahusay.




Marami naman ang nakaka-alam na pagdating sa pagkakaroon ng anak, ay may pag-aalinlangan talaga si Vice Ganda. ito ay dahil sa ayaw umano nito na ma-expose ang magiging anak nito sa “cruelty” na mundo.

“Ok lang kahit mag-isa na lang ako, kahit wala na lang akong anak, basta wag na lang magdusa ang magiging anak ko kung saka-sakali”, ani ni Vice Ganda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *