Vice Ganda Matapang Na Ipinakita Ang Tunay Na Hitsura At Walang Suot Na Wig

Madalas nating masilayan sa ating mga telebisyon ang sikat at popular na komedyante na si Vice Ganda na iba-iba ang kulay at ayos ng kanyang buhok sa bawat shows na kanyang kinabibilangan. At hindi pa nga nagagawa ni Unkabogable star Vice Ganda na ipankita sa publiko ang orihinal na istilo ng kanyang buho na itinatago nga niya sa kanyang mga makukulay na wig.




Marami naman sa mga tagahanga ni Vice ang nagsasabi na nais nilang makita ang orihinal na istilo at kulay ng buhok ng kanilang hinahangaang komedyante. At nito nga lamang nakaraan, ay pinagbigyan ni Vice ang mga ito, ng siya ay bumisita sa isang salon at ibahagi niya nga ito sa kanyang latest vlog.

Image Credit via Google

Nito nga lamang nakaraan ay bumisita si Vice sa salon na pagmamay-ari ng anak-anakan niyang si Ryan Bang, at dito nga ay matapang ng ipinakita ng komedyante sa publiko ang orihinal na istilo at kulay ng kanyang buhok matapos nga niyang magpa-hair makeover sa nasabing salon.

Image Credit via Google

Ipinasilip ni Vice ang kanyang pinakabagong vlog ang naging pagbisita niya sa MoriduArt salon, na pagmamay-ari nga Ryan Bang. Ayon kay Vice itinampok niya sa kanyang vlog ang salon ni Ryan upan suportahan ang ipinatayong business ng kanyang anak-anakan. Ang nasabing salon ay sarado pero para ishoot ang hair makeover ni Vice ay binuksan ito.

Image Credit via Google

Ayon sa Unkabogable star ang kanyang hair makeover na ito ay talaga namang espesyal dahil ang gagawa ng kanyang scalp treatment at mula pa ng Korea.

Image Credit via Google

Samantala, makikita naman na bago ang pagsisimula ng proseso na gagawin sa buhok ni Vice at tinanggal na nga niya ang kanyang turban, at dito na nga lumantad ang orihinal na hitsura ng buhok ng komedyante.

Image Credit via Google

Makikita nga na ang tunay na buhok ni Vice ay tila manipis na nga at may pagka-dry na. ang harapan ding bahagi nito ay unti-unti ng nakakalbo, at ito nga ay dahil umano sa madalas na paglalagay niya ng wig.

Dahil nga sa may kahabaan na rin ang buhok ni Vice, ang kanyang gginagawa ay itinatali ito, upang hindi ito maging sagabal kapag siya ay nagsusuot ng kanyang mga wig.

Pag-amin naman ni Vice, na noon ay talagang insecure siya sa kanyang buhok, ito nga ay dahil hindi tulad ng iba ay hind inga kagandahan ang kanyang buhok, ngunit unti-unti rin naman niya itong natanggap.

Tila naman talagang ine-enjoy ni Vice ang ginagawang scalp treatment sa kanya. Ayon naman sa anak-anakan ni Vice na si Ryan Bang, na siya mismong may-ari ng naturang salon, ay aabutin ng walonng linggo bago tuluyang makita ang resulta ng treatment na ginawa sa Unkabogable star.




Ilang mga netizens naman ang nagbigay komento sa vlog na ito ni Vice, kung saan ay pinaalala nila sa komedyante na anuman ang panlabas na hitsura nito ay hindi mahalaga, dahil ang tunay na hinahangaan nila kay Vice ay ang mabuting kalooban nito at personalidad na nagbibigay kasiyahan sa marami niyang mga tagasuporta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *