Vice Ganda May Napaka-Tamis Na Mensahe Para Sa Ika-30th Kaarawan Ng Kanyang Boyfriend

Sa naging pagdiriwang ng It’s Showtime mainstay host na si Ion Perez ng kanyang ika-30th kaarawan, nitong ika-27 ng Nobyembre 2020, ay isang nakakaantig at napakatamis na mensahe ang inihandog ng kanyang karelasyon ngayon na si Unkabogable Vice Ganda para sa kanya.




Makikita sa Instagram account ng host-comedian na si Vice Ganda, ang naging pagbabago nito ng mga larawan ni Ion Perez, at maging ang mga larawan nila na magkasama silang dalawa. Kalakip nga ng mga larawan, ay ang kanyang mensahe sa boyfriend, kung saan ay isinagad niya ang labis na pagmamahal niya para rito.

Photo Credit: praybeytbenjamin/Instagram

Para nga kay Vice Ganda, hindi niya talaga maisip kung ano ang mga bonggang salita na magiging caption niya sa kanyang naging post, ito ay dahil mula ng dumating sa kanyang buhay ang boyfriend na si Ion Perez, ay talaga namang sobrang kaligayahan ang ibinigay nito sa kanya, kung saan ang mga bagay na pinakasimple, ay nagawa nitong maging pinakamaganda.

Photo Credit: praybeytbenjamin/Instagram

Makikita rin sa post ng host-comedian, ang kanyang naging buong pusong pagbati para sa kaarawan ng boyfriend na si Ion, at ang hiling niya para rito. Sa post nang ito ng pagbati ni Vice, ay tinawag niya sa pangalang Benigno, si Ion.

Photo Credit: praybeytbenjamin/Instagram

“Happy Birthday Benigno!!! Araw araw nagdadasal ako kay Lord na alagaan at ingatan ka niya. Na ipahintulot niyang maging matiwasay ka sa lahat ng oras.

Photo Credit: praybeytbenjamin/Instagram

At sana bigyan niya pa tayo ng mahabang panahong magkasama. Kasi gusto kong mapasaya pa kita. Gusto kong mahalin mo pa. Dahil tuwing mahal kita doon ako masigla at masaya. At hangga’t mahal kita yung mundo ko mananatiling maganda.”

Photo Credit: praybeytbenjamin/Instagram

Sa pagtatapos ng pagbati ni Vice sa partner na si Ion, ay inilahad niya kung gaano niya ito kamahal. “Happy birthday Noy!!!! Mahal na mahal ka ni Tutoy!”

Matatandaan na ang relasyon nina Vice Ganda at Ion Perez, ay unang kinumpirma at isinapubliko ng dalawa, noong taong 2019, matapos ang naging “Magpasikat” performance ng host-comedian, sa It’s Showtime.




At tulad ng ibang mga magkarelasyon, ay dumaan rin ang dalawa sa mga pagsubok, ngunit nanatili silang ipinaglalaban ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa, kung saan ay makikita nga sa kanilang dalawa ngayon na lahat ng pagsubok ay nalampasan na nila, dahil sobrang kaligayahan at pagmamahal ang nadarama nila sa isa’t isa.

Sa ngayon nga ay halos nasa dalawang taon ng magkarelasyon sina Vice Ganda at Ion Perez, ito ay matapos nilang magdiwang ng kanilang ika-2nd anniversary noong nakaraang buwan ng Oktubre 2020.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *