Vice Ganda Nagalit Sa Jowa Niyang Si Ion Perez Matapos Nitong Tumanggi Sa Ipinapagawa Niya Sa TikTok

Dahil sa naging pagkalat ng Covid-19 pandemic sa ating bansa, ay nagpatupad ang ating gobyerno ng lockdown sa iba’t ibang lugar lalo na sa mga lugar na patuloy ang pagdami ng mga positibong cases tulad ng NCR at mga kalapit na lungsod at probinsya.



Sa ipinatupad na lockdown, na kung saan ay limitado ang paglabas ng mga tao, ay talaga namang marami sa atin ang nakaramdam ng pagka-bored, kaya naman ang ilan ay naisip na lamang magnegosyo kahit nasa bahay at ang iba naman ay nilibang na lamang ang kanilang mga sarili sa pag-gawa ng mga bagay na kanilang kinahihiligan.
Ngunit isa sa talagang pumatok na libangan ng mga tao noong lockdown ay ang isang application kung saan ay pwede kang sumayaw, mag lip sync o kaya naman ay magpa-cute lang at ito nga ay ang TikTok apps.
Ang TikTok apps ay naging popular pagpasok lamang ng taong ito, na kung saan ay milyon milyon mga tao agad sa buong mundo ang talagang na-adik dito. Ginagamit rin ang apps na ito ng mga magkasintahan sa paggawa nila ng mga sweet videos.
Maging mga sikat na artista ay kinahuhumalingan na rin ang nasabing apps at isa na nga rito ang comedian host na si Vice Ganda.
Kamakailan nga lamang, ay isang video ni Vice ang naging viral dahil sa naging pangungulit nito sa karelasyon niya ngayon na si Ion Perez na gawin ang isang Tiktok videos. Ngunit tila si Vice nga lamang ang nag-eenjoy sa Tiktok dahil ayaw ni Ion na gawin ito, kaya naman makikita sa video nila ang tila naging pabirong galit ni Vice kay Ion dahil sa pagtanggi nito.
“Tiktok nga tayo”, ang maririnig na sinabi ni Vice kay Ion.  “Ayoko”, ang naging kasagutan naman ni Ion Perez. Kahit pa ng aba sinabi na ni Ion na ayaw niya, ay talaga namang pinipilit siya ni Vice na silang dalawa ay mag-Tiktok. At ng patuloy nga ang ginagawang pagtanggi ni Ion, ay hindi na napigilan ni Vice na pabirong magalit dito at magtaas ng boses rito habang pinipilit ito.
Video Credit: vice gadna/YouTube
https://www.youtube.com/watch?v=eKuDXnpwtjA&feature=emb_logo
“Pag sinabi kong Tik Tok tayo, Tiktok tayo! Dali na!, ang pabiro ngunit medjo mataas na sigaw nga ni Vice kay Ion.” Sa magkasintahan ay talaga namang nakakatuwang makita ang mga pagkakataon kung saan ay nagtatalo ang mga ito sa mga simpleng bagay, tulad nga ng ginawang ito ng mag-jowang Vice at Ion.



Marami naman sa mga tagahanga ang hindi napigilan magbigay ng kanilang mga komento upang iparamdam kana Vice at Ion, ang suporta nila sa relasyon na mayroon ang dalawa.
“Vicelon forever joke joke lang yan.’
“Joke lang yan ni meme for fun.” “Hahaha ang cute nilang dalawa.” “Tiktok lang yan, biro biro lang naman.” Ano ang masasabi niyo sa naging kulitan nina Vice at Ion sa pag ti-Tiktok?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *