Vice Ganda Nakitaan Ng Patola At Posas Sa Kama Ng Singer-Actress Na Si Angeline Quinto

Ang Kapamilya singer na si Angeline Quinto, ay kilala ng publiko sa kanyang pagkakaroon ng wholesome na personalidad, maliban pa dito ay kinaaaliwan rin ng kanyang mga tagahanga ang paminsan-minsan ay pagiging komedyante niya.




Kaya naman ikinagulat ng komedyanteng si Vice Ganda, ang kanyang natuklasan na lihim ni Angeline, dahil sa kabila pala ng pagkakaroon niya ng wholesome personalities, ay may pagka “wild” din pala ito.

Image Credit via YouTube

Sa ginawa ngang house raid ni Vice sa kwarto ng singer-actress, ay hindi niya inaasahan na makakakita siya sa loob ng silid nito ng malaking patola sa loob ng punda ng unan nito. Maliban pa dito, ay nakakita rin ng pulang posas at sleep mask ang comedian-TV host sa ilalim ng kutson ni Angeline.

Image Credit via YouTube

Walang ideya si Angeline na bibisitahin siya ng TV host sa kanyang tahanan, kaya naman talagang ikinagulat niya ng dumating ito, habang siya nga ay nasa loob pa ng bayo at gumagawa ng ‘milagro’.

Image Credit via YouTube

Ayon nga kay Vice, noon pa man ay labas-pasok na siya sa bahay ng kaibigan, kaya bakit pa umano naitanong nito kung bakit siya naroroon. Agad namang pumasok si Vice sa bahay ni Angeline, at dire-diretso nga ito hanggang sa kwrato ng singer-actress, na pinipigilan pa nga ni Angge.

Image Credit via YouTube

Pagdating sa kwarto, ay maraming mga bagay-bagay ang kinalikot ni Vice, hanggang sa pinili nitong mahiga sa kama. Inaya rin niya si Angeline na mahiga, upang doon ay maka-kwentuhan ang kaibigan.




“Kung inaantok ka, sana doon ka sa inyo natulog”, ang naging sabi naman ni Angge kay Vice. Isa-isa namang tiningan ni Vice ang mga unan ni Angge, na ipinagyayabang pa nga ng singer na mga bago ang mga ito, pati na ang punda. At sa kaka-tsek ni Vice, ay mayroon nga siyang malaking bagay na nakapa sa loob ng punda.

Image Credit via YouTube

Gulat na gulat nga si Vice ng makitang ang malaking bagay pala na kanyang nakapa sa loob ng punda ni Angge, ay isang patola. “Ano ito Angge?” “Bakit may ganito ka sa kuwarto? Bakit ka may patola sa kwarto?, ang naging sigaw na patanong ni Vice sa kaibigang singer.
Agad naman itong sinagot ni Angeline na,”Swerte nga raw”.

Image Credit via YouTube

“Hinihimas-himas mo ‘yan para makatulog ka ‘noh? Ang naging pang-aasar nga ni Meme Vice kay Angeline, na halatang nagpipigil ng tawa. Sambit naman ng singer,” Hindi sa unan.”

Image Credit via YouTube

Tinanong pa nga ni Vice si Angge, kung nalaman ba ng kanyang Mama Bob, noong nabubuhay pa ito, na mayroon itong patola sa loob ng kwarto.
“Alam ba ni Mama Bob na naglalaro ka ng patola sa kwarto?, natatawa ngang tanong ni Vice kay Angeline.

Image Credit via YouTube

Video Credit: Vice Ganda/YouTube

Natatawa rin ang sagot ng singer na, “Hindi ko alam… Hahahahha!”
Matapos nga nito, ay muling nagtanong si Vice sa kaibigang singer, kung ano pa ang mga gulay na pinaglalaruan nito, marahil umano ay may talong pa ito na nakatago sa kwarto, sabay iniangat ng ani Vice ang kutson ng kama ni Angeline.

Image Credit via YouTube

At ng i-angat nga ng TV host ang kutson ay may mga bagay pa itong nakita, na nagparamdam na tila gusto ng lumubog ni Angeline sa kanyang kinatatayuan ng mga oras na iyon, dahil hiya na nararamdaman nito.

“Oh my God! May dice (may naka-drawing na iba’t ibang sex position). Wild (sabay tingin sa posas ni Vice)! Hahahahah! Ang yes be naughty (nakasulat naman sa sleep mask)! Anong pinaka-favorite mo rito Angge? (sabay pakita nga ni Vice kay Angge ng dice na mayroong iba’t ibang position ng sex). Kanino mo ito huling ginamit?” ang tanong nga ni Vice, na hindi na napigilan ang matawa dahil sa kanyang mga nakita.

Muli namang tinanong ni Vice si Angge ng, “Kanino mo ito huling ginamit?”
Agad naman itong sinagot ng singer na “Wala”, sabay tingin ng masama kay Vice.
“Baka si Mama Bob”, dagdag pa ni Angeline. Tawang-tawa naman si Vice sa nasagot ni Angge, at sinabi nga na;

“Ha-hahahaha! Si Mama Bob? Kaya na-stroke dahil dito napagod? G*g*”, sambit nga ni Vice.
Inusisa pa nga ni Vice kung saan nabili ni Angeline ang mga bagay na kanyang nakita, at ayon nga sa singer-actress ay bigay lamang sa kanya ang mga ito.

Nang sagutin nga ni ANgge, si Vice na bigay lamang sa kanya ang mga iyon, ay dito na nabuking na kay Angeline nga ang posas at sleep mask kasama na ang dice.
“Grow wild si Ate Girl (Angeline)”, ani Vice.

Dahil nga sa mga nakitang ito ni Vice sa kwarto ni Angeline, ay hindi na nga malaman ng dalaga, kung ano ang kanyang gagawin. Kaya naman talagang pilit niyang kinukuha kay Vice ang mga nakita nitong gamit niya.




Marami namang mga viewers ang talagang ikinatuwa ang ginawang house raid ni Vice sa Bahay ni Angeline. Sa katunayan nga ay umabor na sa 5-milyon ang views nito.
“The best house raid ever, the whole video tawa ako ng tawa”, ang naging komento nga ng isang viewers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *