Vice Ganda Namangha Sa Taglay Na Linis At Ganda Ng Isla Ng Boracay

Isa sa mga maipagmamalaking tourist spot ng ating bansa, ay ang Isla ng Boracay. Ito ay dahil sa ang taglay na ganda ng Isla nito ay talaga namang maihahalintulad sa isang “Paraiso”, dahil sa nakabibigahani nitong tanawin, idagdag pa ang mala-bughaw na kulay ng tubig dagat, at dalampasigan na puting-puti.




Tunay ngang ang mga turista na dumarayo sa Isla ng Boracay na mula pa sa iba’t ibang panig ng mundo, ay mag-eenjoy sa magiging bakasyon at pananatili nila rito.

Image Credit via YouTube

Ngunit sa paglipas ng panahon, sa dami ng mga turista at iba’t ibang mga tao na dumarayo sa Boracay, ay hindi naiwasan na ang ilan sa mala-paraisong isla, ay magkaroon ng mga basura sa ilang lugar nito.

Image Credit via YouTube

Samantala, dahil sa ninais ng pamahalaan, na muling ibalik ang dating maaliwalas, malinis at nakabibighaning ganda ng Isla ng Boracay, ay isinara nila ito para sa ilang buwan na gagawing rehabilitasyon. At makalipas nga ang ilang buwan, na pamamahinga ng Isla, sa pagtanggap ng mga bumibista sa kanya, ngayon ay muli ng makikita ang pagbabalik na nakabibighaning ganda at tanawin nito.

Image Credit via YouTube

Nang muli ngang buksan ang Isla para sa mga nais magbakasyon at mag-relaks dito, ay talaga namang nabighani muli ang mga turista sa gandang taglay ng Isla, at nga rito si Unkabogable Vice Ganda, at kanyang mga kaibigan.

Image Credit via YouTube

Kamakailan nga lamang ay muling bumisita si Vice Ganda, sa mala-paraisong ganda ng Isla ng Boracay, kasama ang kanyang mga kaibigan upang dito ay mag-relaks at magsaya. At sa pagbisita ngang ito ng host-actor comedian, ay talaga namang hindi niya naitago ang kanyang pagkamangha sa pagbabalik ng taglay na ganda ng Boracay.

Noon ngang ika-22 ng Disyembre 2020, ay ibinahagi ni Meme Vice sa kanyang YouTube channel , ang isang video vlog, na pinamagatan niyang “NAGKALABASAN NG BAHO AT SIKRETO SA BORACAY.” Kung saan, ipinasilip niya rin sa kanyang mga subscribers at tagahanga, ang naging masaya at enjoy na pananatili nila ng kanyang mga kaibigan sa nasabing Isla.

Makikita nga sa video ni Meme Vice, na agad siyang nagtungo sa dalampasigan ng Isla, matapos nilang tumuloy sa isan hotel doon ng sila’y dumating. At sa kanya ngang paglilibot, ay agad niyang napansin na malinis at tila wala ng basura, ang mala-bughaw na tubig-dagat ng Isla.

Video Credit: Vice Ganda/Youtube

“So happy to be back here. In fairness makikita mo ang laki ng improvement niya. Ang linis. Makikita mo sky blue talaga siya. Nawala na yung mga green. Parang wala ng mga basura. Malinis”, ang naging pahayag ng ani Vice.




Inilarawan naman ni Meme Vice na mas lalo pang naging “peaceful, tahimik, simple, calm”, ang Isla ng Boracay ngayon.

Samantala, hindi nga lamang ang kanyang naging paghanga sa Isla ng Boracay ang ibinahagi ni Meme Vice sa video vlog niyang ito. Dahil maging ang masaya at enjoy na mga aktibidades na ginawa nilang magkakaibigan, ay kanyang ring ipinakita sa naturang video.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *