Vice Ganda Sinagot Ang Mga Pambabatikos Tungkol Sa Isyung Mas Binibigyan Umano Nito Ng Exposure Si Ion Perez Kaysa Kay Jackie Gonzaga

Mahirap makapasok sa industriya ng showbiz lalo pa’t wala kang backer. Maaari nating suntok sa buwan ang makapasok sa showbiz dahil sa napakalaking kompetisyon na mayroon tayo dito sa Pilipinas. Marami ang kwalipikasyon para makapasok ka sa showbiz. Kailangan marunong ka umarte, may kakaibang karisma at talentong maaari mong ipakita mo sa mga tao. Hindi na dito importante kung matalino ka dahil hindi kasama ang diploma sa kwalipikasyon bilang isang artista.

Photo Credit: @jackiegirlg/Instagram




Ilan sa mga maswerteng nabigyan ng magandang “break” sa showbiz ay si Ate Girl na si Jackie Gonzaga at si Kuya Escort na si Ion Perez. Dating mananayaw ng It’s Showtime noon, humarurot ang kanyang kasikatan dahil kay Vice Ganda. Na Bigyan siya ng magandang exposure dahil sa nakakatuwang mga eksena nila si Vice Ganda sa It’s Showtime. Nakilala siya noong una dahil siya ang palaging humahawak ng “fish bowl” na kinukunan ng tanong ng mga contestants sa It’s Showtime. Katulad ni Jackie, nabigyan rin ng exposure si Ion dahil sa kanyang pambihirang kakisigan. Si Ion naman ang “escort” sa mga contestant.

Photo Credit: @praybeytbenjamin/Instagram

Dahil sa kanilang mga nakakatawang eksena nina Vice Ganda, nagkaroon ng malaking pagbabago sa takbo ng kanilang karera. Nagkaroon ng sariling mga fans ang dalawa dahil sa exposure nila. Pero nitong nakaraang episode ng It’s Showtime noong Biyernes, Agosto 16, tila hindi natuwa ang mga netizens sa naging exposure ni Jackie sa Mr Q and A.
May mga netizens na pumuna kay Vice dahil raw sa tila hindi patas na exposure nina Jackie at Ion.

Photo Credit: @viceiion/Instagram

Ayon sa isang netizen, sayang lang daw ang outfit ni Jackie kung taga-hatid at sundo lamang daw siya ng mga kalahok. Sinabi rin ng isang netizen na kaya hindi raw patas ang exposure dahil nga mas matimbang raw si Ion na na balita ng kasintahan ni Vice Ganda.
Sa pamamagitan rin ng kaniyang Twitter account, sinagot nito ang mga batikos laban sa kaniya.

Photo Credit: @jackiegirlg/Instagram

“Yan ang hirap sa inyo! Binigyan na nga ng exposure ang idol nyo di pa kayo makuntento! Aba baka sa sususnod iuto nyo ng sya ang gawing main host! Abusado!!!”
“Sa mga fans (?) ko na nagpapalaganap ng negativity sa twitter utang na loob wag nyong gamitin ang larawan ko sa profile pic o header nyo!!! Wala akong fans na nega! My LITTLE PONIES are fun and kind!!!” Hindi rin ikinatuwa ni Vice ang mga para sa kaniya nagkukunwaring mga fans niya lamang na nag papakalat raw ng negatibong mga mensahe sa social media.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *