Vilma Santos Labis Ang Kasiyahan Ngayon Na “Happily Married” Ang Kanyang Anak Na Si Luis Manzano

Para sa isang ina, ay isa nga sa mga kahilingan niya na talagang magpapasaya sa kanyang buhay ay ang makitang maayos ang kalagayan ng kanyang anak. Makita ito na masaya sa buhay, at ang makita ito na bumuo ng sariling pamilya na magiging kaagapay nito hanggang sa kanyang magiging pagtanda.




Kagaya na nga lamang ng tinaguriang All For Star Season ng showbusiness na si Vilma Santos, na labis na ipinahayag kamakailan lamang ang kanyang labis na kasiyahan ngayon na ang kanyang anak na si Luis Manzano ay may katuwang na sa buhay, at magsisimula na ngang bumuo ng sarili nitong pamilya.

Photo Credit: rosavilmasantosrecto/Instagram

“Happy ako now he’s married”, ito ang naging pahayag ng 67 taong ng si Vilma Santos, na ngayon ay isa sa Batangas Sixth District Representative.

Photo Credit: rosavilmasantosrecto/Instagram

Sa isang ekslusibong panayam ng kay Vilma Santos, ay inamin ngBatangas Sixth District Representative na matagal din niyang hinintay na lumagay na sa tahimik ang anak niyang si Luis. Sinabi rin nito na hindi siya isang ‘stage mom’, o yung nakikialam sa love life ng kanyang anak, pero nais nga niya na ma-enjoy ng kanyang anak ang pagpapamilya.

Photo Credit: rosavilmasantosrecto/Instagram

Noon nga lamang ika-21 ng Pebrero 2021 ay ikinasal na ang kanyang anak na si Luis Manzano, 40-taong gulang at isang TV host-actor, sa longtime girlfriend nito na si Jessy Mendiola, 28-taong gulang at isa ding kilalang aktres sa showbiz.

Makikita naman sa wedding video na ibinahagi nina Luis at Jessy noong ika-4 ng Abril na naroon sa kanilang pag-iisang dibdib si Vilma, at ang ama ng TV host-actor na si Edu Manzano.

Hindi naman nagawang makadalo ng ina ni Jessy Mendiola na si Didith Garvida, ngunit makikita sa naturang video na tinawagan ng celebrity couple ang ina ng aktres sa pamamamagitan nga ng video call. Pati nga si Vilma Santos ay nakipag-usap din sa video call sa ina ni Jessy.




Matatandaan naman na noon ay hiningan ng komento ng PEP.Ph si Vilma patungkol sa apat na taong relasyon na ng kanyang anak na si Luis sa aktres na si Jessy Mendiola, at ang kanya ngang nasabi kaya naman nagkatuluyan ang dalawa ay dahil sa walang anumang trace ng competition sa relasyon ng dalawa kahit pa ng aba parehong nasa showbiz ang mga ito.

Proud naman si Vilma dahil sa maganda ang relasyon nila ng kanyang anak, at sa katunayan nga umano ay madalas na humihingi ng ‘love advice’ sa kanya si Luis pagdating sa mga relasyon nito lalo na kung may love problem ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *