Vina Morales Binalikan Kung Gaano Siya Nabaliw Sa Pag-Ibig Noon Sa Ex-Boyfriend Na Si Robin Padilla

Ang mundo ng showbiz ay talaga namang punong-puno ng kontrobersiya, lalo na pagdating sa buhay pag-ibig ng mga hinahangaan at iniidolong artista.




Marami nga sa mga showbiz personality ay nagkaroon ng relasyon sa kanilang mga kapwa artista na nagsimula sa pagkakaibigan at ang iba naman ay nagsimula sa tambalan.

Image Credit via Google

May ibang mga celebrity couple na nagbigay kilig sa marami nilang tagahanga na ang relasyon ay tuluyan ng natapos at nagtuldukan, ngunit mayroon din naman na nauwi ang pagmamahalan sa tunay na buhay hanggang sa magsama na nga panghabang-buhay.

Image Credit via Google

Samantala, isa nga sa mga tambalan noon sa mga pelikula sa telebisyon na naging popular noong dekada 90 ay ang tambalang Vina Morales at Robin Padilla, na talaga namang nagbigay kilig sa marami nilang mga tagahanga. Ang tambalan nga na ito ng dalawa ay nauwi sa totohanang relasyon,

Image Credit via Google

nang mabihag ni Robin Padilla ang puso ni Vina Morales ng sila ay magkasama sa pelikulang “Utol Kong Hoodlum” noong taong 1991. Sa isang panayam nga noon ni Vina, para sa kanyang musical video na “Damaso” ay muling binalikan ng aktres ang naging relasyon nila noon ng aktor na si Robin Padilla.

Image Credit via Google

Inamin ng singer-actress, na ng panahon na ‘yon ay masasabi niyang naging “crazy inlove” siya sa aktor, dahil labis labis niya itong minahal. Kuwento pa ni Vina, matindi ang pagtutol ng mga magulang niya noon sa relasyon nila ni Robin, ngunit dahil sa baliw siya sa pagmamahal niya sa aktor ay sinuway niya ang mga ito kaya naman madalas umano silang magkatampuhan noon ng kanyan ina at ama.

Ibinahagi pa niya, na noon ngang ika-18 taong gulang na kaarawan niya ay mayroon dapat siyang eskorte na kinuha ng kanyang mga magulang para sa kanya, ngunit wala namang nagawa ang mga ito ng si Robin ang piliin niyang maging escort sa selebrasyon ng kanyang kaarawan.

“Very clear to me, medyo matagal na – yung first boyfriend ko na si Robin [Padilla]. Yun ang naalala ko na sobra kong ewan. Yung daddy ko, e, wala nang magawa sa akin. Si Mama Mina [the late Mina Aragon],e, walang nagawa noong 18th birthday ko” ang naging pagbabahagi ni Vina.

Dagdag pa niya, “Dapat may iba akong escort, e, that time, hindi ako tinantanan ni Robin kaya siya ang naging escort ko sa 18th birthday party ko. Ikinuwento rin ng singer-actress ang dahilan kung bakit hindi naging sang-ayon ang kanyang mga magulang sa relasyon niya kay Robin Padilla,

at ito nga umano ay dahil sa reputasyon noon ng aktor na kilala bilang isang babaero na hindi naman maikakaila dahil sa taglay na kagwapuhan at husay sa pagiging action star nito ay napakarami nga naman ang mga babaeng nahuhumaling sa aktor.




“Oh my God! Kasi noong generation ni Robin noon, parang lahat, nagiging Sisa. Yun ang peak ni Robin, di ba? Parang lahat yata, na inlove sa kanya. Yung mga leading ladies niya, isa na ako roon!”

Muli namang nagkasama sa isang pelikula sina Vina at Robin noong taong 2014 na “Bonifacio: Ang Unang Pangulo” para sa Manila Film Festival entry, kung saan ay naging maayos ang kanilang pagsasama sa nasabing proyekto dahil pareho na rin naman silang nakapag-move on sa kani-kanilang mga buhay dahil sa matagal na ngang tapos kung ano man ang naging relasyon nila noon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *