Vina Morales May Inamin Tungkol Sa Dating Boyfriend Na Si Robin Padilla

Ang pag-ibig, minsan ay nararamdaman ng isang tao sa hindi sinasadyang oras, panahon at pagkakataon. Wala ring pinipiling tamang edad kung kailan mo mararamdaman ang umibig, pero nasa tao na lamang iyon kung paano niya kokontrolin ang nararamdaman lalo na sa mga komplikadong pagkakataon.




Mapapansin natin sa mga ilang artista, na sa murang edad nila o pagpasok palang nila sa pagdadalaga ay nagkakaroon na agad sila ng mga karelasyon o nobyo na madalas ay nakatambal nila o nakasama sa isang proyekto o pelikula.

Image Credit via Google

Ito nga ay dahil sa uri ng trabaho na mayroon sila, sa mga pagkakataon na nakakatambal nila ang mga artistang gusto nila ay hindi maiwasang magkahulugan o magkaroon sila ng damdamin sa isa’t isa.

Image Credit via Google

Nitong nakaraan nga lamang, ay ibinahagi ng singer/actress na si Vina Morales ang kanyang bagong proyektong gagawin na pinamagatang “Damaso”, kung saan ay gaganap siya sa unang pagkakataon bilang ‘Sisa’.

Image Credit via Google

Kung matatandaan ng marami sa atin, si ‘Sisa’, ay isang tauhan sa akdang aklat ni Dr. Jose Rizal na “Noli Me Tangere”.

Image Credit via Google

Sa pagkakataong ito, ay tinanong naman ang singer/actres kung sa kanyang buong buhay ay naranasan niya na bang maging katulad ni ‘Sisa’ na halos mabaliw dahil sa pag-ibig.

At dito nga ibinahagi ni Vina, na minsan na niyang naranasan na maging baliw sa pag-ibig at ito ay noong siya ay 18-taong gulang pa lamang, sa kauna-unahan niyang naging nobyo na si Robin Padilla.

Binalikan ni Vina kung paano nga ba siya nabaliw noon sa pag-ibig sa aktor.
“Very clear to me, medyo matagal na – yung first boyfriend ko na si Robin Padilla.”
“Yun ang naalala ko na, sobra akong ewan.”

“Yung daddy ko is wala ng magawa sa akin. Si mama Mina [the late Mina Aragon], e, walang nagawa noong 18th birthday ko.”

“Dapat may iba akong escort, e, that time hindi ako tinantanan ni Robin, kaya siakya ang naging escort q sa 18th birthday ko sa party ko.” “Naging Sisa naman si Mama Mina sa akin.”

Maaalala nga na noong 1992 sa set ng pelikulang pinagtambalan nina Vina at Robin, na “Miss kita: Ang Utol Kong Hudlom 2, ay napabalitang nagkakamabutihan na ang dalawa sa totoong buhay.

Natakot naman ang mga magulang ng singer/actress sa naging nagkakamabutihan ng dalawa, dahil ng mga panahong iyon ay kilala si Robin bilang isa sa mga aktor na reckless womanizer.

“Of course, I had another relationships din naman, na naging ganun din ang sitwasyon, but not as clear na naalala ko na parang feeling ko, gumuho ang mundo ko.”
“Kasi ganun naman yata, kapag first boyfriend mo di ba?”

“Saka magulo yun, Robin Padilla.Yun ang naging Sisa ko sa pag-ibig.”,dagdag pa nga ni Vina.
Samantala, ibinahagi rin ni Vina, na sa lahat ng naging karelasyon niyabat kabiguan sa pag-ibig, ay walang makakapantay sa naging relasyon nila noon ng dating boyfriend na si Robin Padilla.

“Parang, siguro, oo, kasi yun ang mga naalala ko. I had problems with my family. Kasi, wala na silang magawa, naloka-loka na ako.” “Si mama Mina, si tito Vic Del Rosario.”

Tinanong din ang singer/actress kung ano nga ba ang isang ginawa niya noon para sa pag-ibig niya kay Robin na hindi niya makakalimutan, at ang sinabi nga ng aktres ay yung isa siya sa mga babaeng umibig at naging Sisa kay Robin noon.

“Parang lahat ata, na-inlove sa kanya. Yung mga leading ladies niya, at isana ako roon!”
At dahil nga bata lamang ang aktres noon sa edad niyang 18-taong gulang, ay natutunan niya na mas maging matapang sa kabila ng mga heart aches sa pag-ibig.

“I’ve learned to be strong, at mabait naman talaga si Robin.”
“Kung paano siya makisama sa mga trabaho niya. Sa cast, staff, crew kung paano siya makisama, yun ang nakita ko.”

“Ang napaka-down-to-earth niya, he’s really humble. At ang pagmamahal niya sa trabaho niya, yun naman yung good lessons na nakuha ko.”

Inamin rin ni Vina na sa kabila ng kanyang karanasan na maging ‘Sisa’ sa pakikipagrelasyon niya noon kay Robin, ay hindi naman umano ito pinagsisihan ng aktres.




Sa ngayon nga ay natatawa na lamang umano siya kapag naaalala niya ito at minsan nga daw ay napag-uusapan din nila ni Robin ang kanilang past ngunit tinatawanan na lamang nila ito.

Pero pag-amin din ni Vina, ayaw na niya maranasan ang ganoong heart aches na naranasan niya noon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *