Viral Ang Mga Larawan Ni Ellen Adarna Kasama Ang Isang Foreigner Sa Spain

Ang A-list actor na si John Lloyd Cruz at model/actress na si Ellen Adarna ay isa lamang sa mga nagkarelasyon na nagpatunay na kahit marami ang hadlang sa kanilang pagmamahalan ay ka nila itong ipaglalaban.

Photo Credit: johnlloydcruztm/Instagram




Noon ngang mapabalita na si JLC at Ellen ay biglang nawala sa showbiz ay naging usap-usapan na nagsama na ang dalawa, hanggang sa nabalita na silang dalawa ay nagkaroon ng anak at ito ay si Baby Elias. Lumayo nga ng tuluyan sa mundo ng showbiz si Ellen at JLC upang patunayan sa lahat na marami mang bumatikos sa kanilang naging relasyon ay hindi naman sila nagpatibag at nabuhay ng ayon sa gusto niya kasama ang kanilang anak na si Elias.

Photo Credit: johnlloydcruztm/Instagram

Kaya’t marami ang nagulat ng noong August 2018 ay kumalat ang balita na hiwalay na ang dalawa at ito ay matapos ang halos dalawang taong magkarelasyon. Wala namang inilabas na pahayag si Ellen at John Lloyd sa nasabing pangyayaring ito hanggang sa isang reliable sources ang nagsabi na gumawa ng aksyon si Ellen Adarna na isang “Temporary Restraining Order (TRO)” laban sa dating karelasyon na si John Lloyd Cruz.

Photo Credit: maria.elena.adarna/Instagram

Ngunit sa kabila naman ng balitang hiwalayan ay nanatili naman daw ang pagiging magulang ng dalawa sa kanilang anak na si Elias. Makalipas nga ang isang taon na napabilang hiwalay na ang dalawa (JLC at Ellen), ay nabalita naman na ang a-list actor na si JLC ay magbabalik na sa showbiz. Si Ellen Adarna naman ay ipinagpatuloy ang kanyang buhay bilang isang single mom kasama ang kanyang anak na si Elias.

Photo Credit: maria.elena.adarna/Instagram

Makikita rin sa Instagram account ni Ellen Adarna na madalas siyang lumabas at magtravel kasama ang kanyang mga kaibigan, siguro ay upang makalimot sa nangyaring kabiguan sa relasyon nila ni John Lloyd.

Photo Credit: maria.elena.adarna/Instagram

Sa kanya ngang pagtatravel ay mukha ngang tuluyan ng nakapag move on ang actress/model sapagkat nanumbalik na din ito sa pagbabahagi ng mga pangyayari sa kanyang buhay sa social media. Makikita sa Instagram account ni Ellen ang naging pagbabakasyon niya sa bansang Europa ng halos ilang buwan.

Photo Credit: maria.elena.adarna/Instagram

Nagbahagi rin si Ellen ng kanyang masayang pagbabakasyon sa Spain na kung saan ay kasama rin niya ang kanyang pamilya.Ngunit marami ang nagtaka sa isang larawan na ibinahagi ni Ellen dahil sa larawang ito sa kanyang IG Story ay makikita ang isang lalaki ngunit ito ay nakatakip ang mukha noon.

May mga larawan ng makikita na sa kanyang naging pagbabaksyon ay may mga nakasama siyang mga foreigner.Makikita naman na nagtatag ng larawan si Ellen sa dalawang IG account na nagngangalang Juan Marco Butran at Carlos Lemus na parehong nakaprivate ang mga ito.

Ang larawang nakatag ay may caption na “Central America in Madrid (laugh and heart emojis).” At sa larawang ito ay makikita ang isang komento na “Come back soon,” na nagmula kay Juan Marco na agaran namang sinagot ni Ellen ng “I will”.




Wala namang anomang impormasyon o klasipikasyon na inilabas ang actress/model na si Ellen Adarna sa balitang ito na siya ay may karelasyon ng iba dahil sa mga lumabas na larawan kasama nga ang mga foreigner na nabanggit. Ngunit Base na rin sa mga larawan ay makikita natin na masaya na muki si Ellen at nag-eenjoy sa mga bagong taong kanyang nakakasama at nakakasalamuha.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *