Viral Ang Napaka Seksing Larawan Ni Anne Curtis Kahit Kakatapos Lang Nito Manganak

Muling pinamangha ng celebrity mom na ngayon na si Anne Curtis ang kanyang mga tagahanga, matapos niyang ibida ang kanyang seksing-seksi muling pangangatawan, 8-buwan matapos niyang manganak




Pinatunayan ni Anne Curtis, na siya pa rin ang nag-iisang “Diyosa” ng kagandahan at kaseksihan, ito ay sa kabila ng pagiging isa na niyang mommy ngayon ng kanyang baby na si Dahlia Amelie.

Image Credit annecurtissmith/Instagram

Matatandaan na isinilang ni Anne ang panganay niyang anak na si Dahlia Amelie, noong buwan ng Marso 2020. At ang host-actress, ay nagsilang sa bansang Australia, kung saan sila pansamatalang namamalagi ngayon, ng kanyang asawang si Erwan Heusaff.

Image Credit annecurtissmith/Instagram

At ilang buwan nga lamang matapos ang naging panganganak ni Anne, ay proud na proud na niyang ibinahagi sa social media ang kanyang”post-baby” body figure, kung saan ito ay talaga namang ikinamangha ng maraming mga netizens, at kapwa niya mga artista at celebrity mom, dahil talaga namang siya ay seksing-seksi ng muli .

Image Credit annecurtissmith/Instagram

Nito nga lamang nakaraan, makikita sa Instagram page ni Anne Curtis ang kanyang naging pagbabahagi ng mga bago niyang larawan.

Image Credit annecurtissmith/Instagram

At ito nga ay talaga namang ikinamangha ng marami, dahil sa makikita ang kanyang kamangha-manghang “post-baby” body figure, na tila hindi nga naman dumaan sa panganganak dahil sa kinis at flat na flat muli ang kanyang tyan.

Image Credit annecurtissmith/Instagram

Sa nasabi ngan larawan ng It’s Showtime host ay makikita ang naging pagsuot nito ng midriff-baring top na tenernuhan niya ng waisted shorts, kung saan ay ipinakita nga nito ang napaka-flat ng tyan ni Anne, na may “abs” pa. Makikita rin ang kanyang napakagandang hugis ng hita, na nagpadagdag pa lalo sa kanyang nakakamanghang kaseksihan.

Image Credit annecurtissmith/Instagram

Ang larawan ngang ito ni Anne ay mayroong background ng magandang tanawin, kung saan ay matatanaw ang bughaw na karagatan at makikita rin ang magandang pagsikat ng haring araw.

Image Credit annecurtissmith/Instagram

Marami naman sa mga nakakakitang netizens sa larawan na ito ni Anne Curtis, ang hindi napigilan ang mapa-wow at mamangha sa taglay pa rin na kaseksihan ng It’s Showtime host, kahit pa nga ba ilang buwan pa lamang matapos nitong manganak.

Image Credit annecurtissmith/Instagram

“Parang di nanganak”, ito nga ang karamihan sa mga naging komenton’t papuri kay Anne ng maraming mga netizens.




Samantala, maging mga kapwa artista ni Anne sa showbiz, ay ikinamangha rin ang nakitang “post-baby” body figure niya, kabilang na nga sa mga ito ay sina Solenn Heussaff, Sarah Lahbati at Jessy Mendiola.

Dahil naman sa patuloy na nararanasan nating [email protected]@, ay pinili muna ni Anne Curtis at ng kanyang asawang si Erwan, na manatili sa Australia, ngunit ayon naman sa mag-asawa, “anytime” na maging maayos na ang lahat, ay magbabalik sila sa Pilipinas kasama ang kanilang napaka-cute na anak na si Dahlia Amelie.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *