Viral Ngayon Ang Larawan Ng Isang Dalaga Matapos Ang Isang Napaka Romantikong Surpresa

Ang Araw ng mga Puso o Valentine’s Day ay isa sa mga inaabangang okasyon ng mga Pinoy, dahil sa araw na ito, halos lahat nagmamahal ay may kanya-kanyang sorpresa para sa taong kanilang minamahal.




Nito nang nagdaan ngayong Valentine’s day, ay bumuhos ang mga iba’t ibang kaganapan sa buhay ng taong nagmamahalan, ang iba ay puno ng sorpresa at ang iba naman ay pinuno lamang ng pagmamahalan at kasiyahan ang kanilang relasyon.

Photo Credit: pinkberrymich/Instagram

May iba nang ipinagdiriwang ang espesyal na araw na ito sa pamamagitan ng pagkain sa labas kasama ang pamilya, kaibigan o kasintahan, may iba naman na gumala at magbakasyon sa magagandang lugar, at ang iba nga ay naghandog ng regalo sa taong espesyal sa kanilang buhay.

Photo Credit: pinkberrymich/Instagram

Karaniwan nang mga regalo na bumubuhos tuwing Araw ng mga Puso ay bulaklak, chocolates at teddybears. Sa kabila naman ng iba’t ibang pamamaraan ng mga tao sa pagdiriwang ng Valentines day, ay isa lamang ang pinupunto nito, at ito nga ay ang ipadama at ipakita sa minamahal nila, mapa-pamilya, kaibigan o kasintahan man ito kung gaano siya kahalaga.

Photo Credit: pinkberrymich/Instagram

Samantala, sa dami ng iba’t ibang mga kaganapan noong araw ng Valentines, ay ang kwento ng dalagang si Michelle Gujer ang talagang bumida sa lahat, at nag-viral pa nga online.

Photo Credit: pinkberrymich/Instagram

Ito ay matapos nga niyang makatanggap ng isang bongga at romantikong surpresa mula sa kanyang nobyo.

Photo Credit: pinkberrymich/Instagram

Makikita nga sa larawang ibinahagi ni Michelle, na sobrang effort ang ginawa ng kanyang nobyo para siya’y bigyang surpresa sa Araw ng mga Puso.

Photo Credit: pinkberrymich/Instagram

Halos mapuno nga ang kwarto ng dalaga ng mga dekorasyon na inilagay ng nobyo, kung saan ay karamihan sa mga dekorasyong ito ay mga lobong kulay pula, ang iba pa nga ay hugis puso. Tunay ngang kamangha-mangha ang naging set-up ng silid ni Michelle, at ang nobyo nga niyang si Ben Fernandez ang nasa likod ng napakagandang surpresang ito.

Photo Credit: pinkberrymich/Instagram

Nagpapatunay naman ang sobrang effort ni Ben, kung gaano ka-espesyal sa buhay niya ang kasintahan. Marami nga ang napa-Sana all na mga netizens ng makita ang viral photo na ito ni Michelle, na may kalakip na caption na;




“Hi, I have a crazy boyfriend, his name is Ben. And he has been crazy sweet since 2016 [smiley emoji][red heart emoji].” “Happy Valentines Day my love, you definitely made this day a ‘Sana All’ day. [smiley emoji] I love you[red rose emoji].

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *