Viral Ngayon Ang Mga Bagong Larawan Ng Mag-Inang Ellen Adarna At Elias Modesto Kasama Si Derek Ramsay At Ang Pamilya Nito

Tunay ngang kapag ikaw ay isang celebrity, lahat ng iyong magiging galaw, ay magiging agaw-pansin sa mata ng publiko. Kaya naman talagang maraming mga celebrity ang halos araw-araw ay napag-uusapan sa social media.




Kagaya na nga lamang ng aktres na si Ellen Adarna, na tila halos linggo-linggo na lamang ay nagiging laman ng mga usapin sa social media, lalo na ng unang lumabas sa publiko ang larawan niya na kasama ang aktor na si Derek Ramsay.

Image Credit via Google

Nito nga lamang Valentine’s Day, ay muling naging viral si Ellen Adarna, online. Ito ay matapos may lumabas na larawan, kung saan ay makikita na magkasama sila ng kanyang anak na si Elias, na nakikipag-dinner date sa aktor na si Derek Ramsay at sa pamilya nito.

Image Credit via Google

Makikita pa nga sa unang larawan ang nakangiting sina Derek at Ellen sa harap ng camera, habang sa isa pang larawan, ay mapapansin na kasama na ng mga ito ang anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz na si Elias Modesto.

Image Credit via Google

Samantala, maliban pa sa viral photo na ito, ay mas napapansin nga ngayon ng mga netizens ang pagiging malapit nina Ellen at Derek, dahil sa madalas nan gang nagkakasama ang mga ito.

Kamakailan nga lamang, ay nagbahagi si Derek sa kanyng ‘My Day’ ng larawan ng mag-inang Ellen at Elias, habang masayang nagba-bonding ang mga ito.

Maliban pa nga sa mga viral na larawan ng dalawa na lumabas nito lamang Valentines day, bago pa ito, ay kumalat na rin ang larawan noon ni Ellen na kasama si Derek at mga kaibigan nito, na tila nasa isang bakasyon.

Sa kabila naman ng mga kumakalat na mga larawan, at kahit na madalas na ngang nagkikitang magkasama sina Ellen at Derek at napapansin ng lahat na tila may espesyal ng relasyon ang dalawa, ay wala namang anumang pahayag ang dalawa, na maglilinaw ng totoong estado ng ugnayan nila.




Kilala si Ellen Adarna, bilang isang Filipina actress na madalas mapapanood na gumaganap ng mga daring at sexy roles. Marami rin ang nakababatid na dati siyang karelasyon ng aktor na si John Lloyd Cruz, na siya ngang ama ng kanyang anak na si Elias Modesto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *