Viral Ngayon Ang Mga Larawan Ng Aktres Na Si Melissa Ricks Matapos Nitong Ipakita Ang Kanyang Mas Fit Na Pangangatawan Ngayon

Matatandaan na naging usap-usapan noon ang aktres na si Melissa Ricks, matapos mapansin ng maraming mga netizens ang kanyang lumulubong pangangatawan.




Kung saan ang iba pa nga ay nagkomento na tila napabayaan na ng aktres ang pangangalaga at pag-maintain ng kanyang seksi at magandang hubog ng katawan.

Photo Credit: mellyricks09/Instagram

Ngunit ngaayon, ay muling naging maugong na naman ang pangalan ng aktres, ito ay matapos niyang mag-post ng kanyang larawan sa kanyang social media account, na nagpapakita na unti-unti na nitong nababalik ang kanyang sexy-fit figure.

Photo Credit: mellyricks09/Instagram

Sa social media account ni Melissa, ay makikita kung gaano ito kasama na ibahagi na sa loob ng dalawang buwan, ay nagawa niyang makapagbawas ng 20-pounds sa kanyang timbang.

Photo Credit: mellyricks09/Instagram

“Hi! Excited to share with you how I lost -20lbs in 2 months.. with a secret I’ll reveal soon! Plus One of the reasons I’ve gotten this far is @gmaxketoph”, ang naging saad nga ni Melissa sa kanyang online post.

Photo Credit: mellyricks09/Instagram

Makikita nga sa mga larawan na ibinahagi ng aktres sa kanyang social media account, ang kanyang before and after photo, kung saan ay ang “before” photo niya ay nagpapakita kung gaano ka-lobo ang kanyang pangangatawan noon,

Photo Credit: mellyricks09/Instagram

samantalang ang kanyang “after” post ay ipinapakita naman kung ano na ang naging resulta ng kanyag ginagawang pagpapayat ngayon.

Photo Credit: mellyricks09/Instagram

Samantala, maliban nga sa naging pagbabahagi ni Melissa Ricks ng kanyang mga larawan, ng unti-unti ng nababawasan ang kanyang timbang, ay nagbahagi rin ang aktres ng isang video, kung saan ay nag-discuss naman siya patungkol sa mga “topic” ng wight loss, health at happiness.

Photo Credit: mellyricks09/Instagram

Tila naman isang ‘inumin’ na nakapagpapabawas ng timbang ang sikreto ng aktres sa kanyang unti-unti pagpayat, ito ay dahil sa isang larawan niya kung saan ay makikita na mayroon siyang hawak na inumin na ang kulay ay “berde” na animo’y green tea.

Photo Credit: mellyricks09/Instagram

Ayon pa nga sa aktres, “NO need to be on KETO diet”, kung saan ay ibinahagi niya ang tila isang produkto na nagngangalang Gmax keto, at sinabi nga niya na ito ay “yummy na, no sugar pa.”




Ang naging pagbabago nang ito ng aktres, ng kanyang “journey” sa kanyang naging pagbabawas timbang ay umani ng sari’t saring mga komento at reaksyon mula sa mga netizens.

“Omg road to being fit it is.” “Mapapa-sana All ka na lang talaga.” “Wow! Grabe sis! Achieve na achieve!” “I’m so proud of you sis! Kudos to you.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *