Viral Ngayon Sa Social Media Ang Mga Litrato Ng Team Kramer Sa Boracay

Dahil sa pagbabago ng teknolohiya, marami na sa atin ang natutong gumamit ng mga makabagong gadgets katulad ng smartphones. Dahil din sa smartphones kung bakit nakatuon ang ating mga atensyon sa social media. Dito natin ibinahagi ang mga nangyari sa ating mga buhay upang magbigay ng inspirasyon o kaya’y ipagmalaki lang ang mga tagumpay natin. Dito rin natin pinahahayag ang ating saloobin sa ibang mga bagay.




Nagmistulang photo album na rin natin ang social media dahil dito na natin binabahagi ang mga mahahalagang litrato ng ating buhay kasama ang ating mga mahal sa buhay. Isa sa mga sikat na pamilya sa social media ang pamilya nina Doug at Cheska Kramer na kung tawagin ay Team Kramer.

Palagi nilang binabahagi ang litrato ng kanilang pamilya lalo na ang kanilang mga cute na anak. Sikat rin sila dahil sa mga cute na videos ng kanilang ibinahagi sa social media na nagbibigay aliw sa mga netizens lalo na sa mga nanay.

Nitong nakaraan lamang ay nagtrending na naman sa social media ang Team Kramer matapos nilang ibahagi ang mga litrato na kuha sa kanilang pagbabakasyon sa sikat na isla ng Boracay. Sa unang litrato makikita ang mag-asawang Kramer sa kotse bago pa sila pumunta sa Boracay.

Date na raw nilang mag-asawa kung maituturing ang pagbabakasyon nilang ito ng buong pamilya ayon kay Doug Kramer. Sa susunod na naman na litrato ay makikita ang mag-asawang sweet habang nasa likod nila ang pamosong sunset ng Boracay.
“16 years, 16 Boracay sunsets! Only gets better! I love you to my one and only.”

Isa sa mga nag-viral na litrato ng Team Kramer ay ang sandwich pose nilang pamilya kung saan makikitang nagpatong-patong silang lahat habang nasa ilalim naman si Doug. Siyempre, hind rin puwedeng hindi nila bisitahin ang main island ng Boracay kung saan namangha si Doug sa ganda ng bagong anyo ng dalampasigan.
Nakakatuwa lang na ang Team Kramer ay nagbibigay ng kasiyahan sa bawat pamilya sa pamamagitan ng mga masayang litrato.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *