Taong 2016 ng kumalat at mag-viral sa social media ang mga larawan ni Jeyrick Sigmaton, ito ay dahil sa kabila ng kanyang ginagawang pagbubuhat ng mga sako-sakong carrots, ay hindi maikaka-ila na may taglay itong kagwapuhan nan aka-agaw ng pansin sa mga netizens.
Nang mag-viral din ang kanyang mga larawan, ay nagsimula ang bansag sa kanya bilang si ‘Carrot Man.’ Ayon sa mga naging ulat, ang pagtatanim at pagbebenta ng carrots ang hanapbuhay ng pamilya ni Jeyrick sa Mountain Province, kaya naman ito na rin ang kanyang kinalakihang trabaho.

Dahil sa marami nga sa mga netizens ang namangha sa taglay na kagwapuhan at kakisigan ni Jeyrick, ay naging viral ang kanyang mga larawan sa social media, na naging daan rin upang makatanggap siya ng ilang mga guesting sa telebisyon.

Siya’y unang natampok sa programa ng GMA-7 na Kapuso Mo Jeesica Soho, at sumunod nito ay naipalabas naman ang kwento ng kanyang buhay sa ‘Magpakailanman.’
Mas lalo pa ngang nakilala ng publiko si Jeyrick ng siya ay maging ‘guest’ sa program ani Willie Revillame na ‘Wowwin’, at dito rin ay nakatanggap siya ng surpresa mula sa TV host na pag-aarlin siya nito hanggang sa kanyang kolehiyo.

Mula sa isang simpleng binatang naninirahan sa probinsiya, ngayon ay narating na rin ni Jeyrick ang iba’t ibang mga bansa, ito ay matapos niya ring mapabilang sa boy band na FAB4Z, kung saan ay kasama niya ang iba pang miyembro nito na sina Jeffer Kim, Patrick Villanueva at Yuan Quiblat.

Hindi naman naging masyadong maganda ang naging maganda nina Jeyrick, kaya naman mas minabuti ng binata na magsolo na lamang. Sa ngayon ay patuloy pa rin siyang tumatanggap ng mga guesting, at nagmo-modelo pa rin siya.

Samantala, maliban nga sa pagiging isang modelo at pag-geguest, ay nagta-trabaho na rin ngayon si Jeyrick bilang isang real state agent. Makikita sa YouTube channel ng binata, ang naging pagbabahagi niya ng mga video, na tumatalakay patungkol sa mga customized house projects at real estate properties.

Ikanatuwa naman ng mga netizens ang nakikita nilang kasipagan ni Jeyrick, dahil sa kabila nga ng bihira itong masilayan sa telebisyon, ay may ginagawa pa rin itong paraan upang kumite at makatulong sa kanyang pamilya.
“Wow I’m happy for you, after years ito ka na ngayon. Magaling ka na sa English and you’re smart na…wowwww. Stay humble and trust God with all your ways.” “Superb ang galing galing mo na ngayon Jeyrick. I am very proud of you.”
“ang galing! Nadevelop ang self esteem mo… kaya lang wag mo hayaan na ibang tao magpaandar sa buhay mo. Be yourself… mag-iingat ka po.. nakita ko lang uli ung viral video mo kaya aq napunta dto.. Godbless u carrotman! Keep it up..”