Viral Sa Social Media Ang Kagandahan Ng Dalagang Naglalako Ng ‘Banana Cue’

Dahil sa krisis na kinakaharap natin ngayon, ay bawat magpapamilya nga naman ay nagtutulungan upang mairaos lamang ang pang-araw araw na gastusin at pangangailangan ng pamilya. Maging ang mga anak nga, ay nakapag-iisip na din na gumawa ng paraan para kumita at makatulong sa mga magulang nila.




Kagaya na nga lamang nito ay ang isang dalaga na kamakailan lamang ay nag-viral sa social media. Maliban kasi sa kanyang ipinamalas na kasipagan sa pagtitinda ng banana cue para makatulong sa kanyang pamilya, ay naging kapansin-pansin din sa mga tao ang kanyang angking kagandahan.

Image Credit via Google

Ang dalaga ngang ito ay kinilalang si Yssa Nicole Nengasca, labing-anim na taong gulang, at naninirahan sa Brgy. Poblacion 2, Midsayap at siya nga ay nasa Grade 11 na sa Paaralan ng Norte Dame of Midsayap Colege.

Image Credit via Google

Ayon sa naging ulat ang ina ni Yssa ay nagtatrabaho sa ibang bansa, ngunit dahil sa naapektuhan rin ng krisis ang trabaho nito, ay napagdesisyunan ng dalaga na magbenta ng isa sa mga pagkaing meryendang Pinoy, at ito nga ay ang ‘banana cue’ upang sa maliit na paraan ay makatulong siya sa gastusin at pangangailangan ng kanyang pamilya.

Image Credit via Google

Marami naman ang humanga sa kasipagan ni Yssa, ngunit mas hinangaan nga ng marami ang taglay na kagandahan ng dalaga.Dahil nga sa taglay na ganda ni Yssa ay agad na nag-viral sa social media ang kanyang mga larawan, kung saan ang iba ngang nagbigay ng komento ay sinabi na mabilis mauubos ang ibinibenta nitong banana cue lagi, dahil sa mapapabili talaga ang mga inaalokan niya nito sapagka’t nakaka-agaw atensyon ang kanyang ganda.

Image Credit via Google

Umani pa nga ang larawan ni Yssa na kumalat sa social media ng iba’t ibang mga komento, kung saan ang iba ay nagsabi na pang-artista ang taglay niyang ganda.
Samantala, para naman kay Yssa ay hindi niya akalain na magiging viral ang kanyang mga larawan sa social media, lalo pa’t ang pagtitinda lang naman ng banana cue ang kanyang pinagkakaabalahan.

Image Credit via Google

Masasabi nga naman natin na talagang napakasipag na dalaga ni Yssa, dahil sa kabilang ng init ng araw sa paglalako, ay ginagawa pa rin niya ang magtinda ng banana cue para matulungan ang kanyang ina sa mga gastusin nila.




Maituturing rin na isang inspirasyon ang dalaga sa maraming mga kabataan, kung saan ay ipinakita niya na kahit sa maliit na paraan lamang kagaya ng ginagawa niyang pagbebenta ng banana cue ay maari ka ng makatulong sa iyong pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *