Wala Ng Mahihiling Pa Ang Kapamilya Hunk Actor Na Si Aljur Abrenica Sa Kanyang Ika-31 Taong Kaarawan

Isang simpleng selebrasyon lamang ang naging kaganapan sa pagdiriwang ng ika-31 taong kaarawan ng Kapamilya hunk actor na si Aljur Abrenica, noong ika-24 ng Marso taon ng kasalukuyan.




Dahil nga sa muling maghigpit ngayon ang pamahalaan sa pagpapatupad ng mga safety protocols gawa ng patuloy na pagtaas ng kaso ng krisis sa ating bansa, ay isang salo-salo lamang sa loob ng tahanan kasama ang kanyang pamilya ang naging kaganapan noong kaarawan ni Aljur.

Photo Credit: ajabrenica/Instagram

Makikita sa Instagram ng aktor, ang naging pagbabahagi nito ng mga larawan na kuha sa naging selebrasyon ng kanyang kaarawan, kasabay nito ay ang pasasalamat niya, una sa Poong Maykapal sa buhay at biyaya na patuloy niyang natatanggap, kasunod ay ang pasasalamat niya sa kanyang mahal na asawang si Kylie Padilla, at maging sa kanyang dalawang anak.

Photo Credit: ajabrenica/Instagram

Pinasalamatan din ng aktor ang mga kaibigan niya sa loob at labas ng showbiz, na nakaalala sa kanyang kaarawan, at ang mga kaibigan niya din na nagsabing ipagdarasal nito ang kaligayahan at kaligtasan ng kanyang pamilya.

Photo Credit: ajabrenica/Instagram

“Unang-una salamat sa Panginoon sa tuloy-tuloy na biyayang ipinagkaloob niya sa 31 years ng eksistensiyal ko. Sa pamilya na laging nandyan upang alalayan ako.”

Photo Credit: ajabrenica/Instagram

“Sa mga kaibigan na nagtiwala at nanatiling totoo sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.
“Sa aking asawa at mga anak na nandyan upang mas pagbutihin ko pa ang aking sarili”, ang naging pauna ngang saad ng Kapamilya actor sa kanyang caption.

Photo Credit: ajabrenica/Instagram

Para kay Aljur, sa pagdiriwang niya ng kanyang ika-31 taong kaarawan, ay wala na siyang mahihiling pa sa kanyang buhay, dahil sa maligaya na umano siya sa kung ano ang meron siya ngayon.

Photo Credit: ajabrenica/Instagram

“Wala na akong mahihiling pa sa kung ano man ang meron ako ngayon”, saad pa ng aktor.
Samantala, matatanda na bago nagdiwang ng kaarawan ang aktor, ay kumalat pa ang usap-usapan noong buwan ng Pebrero na sila misis niyang si Kylie Padilla ay nagkakalabuan na.

Ito nga ay matapos makita ng mga netizens sa Instagram ng aktres, ang mga cryptic message post nito, na na tungkol sa usaping pakikipagrelasyon.

Mas tumindi pa ang chika, ng mapansin ng mga tagahanga ng aktres, na binura na nito sa kanyang IG account ang mga larawan nilang mag kasama ni Aljur, kaya naman talagang ang hula ng marami ay naghiwalay na ang celebrity couple.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aljur Abrenica (@ajabrenica)

Ngunit, nito nga lamang nakaraang linggo, sa naging bagong post ni Kylie, ay tila ng naayos na nilang mag-asawa kung ano man ang problema na kanilang kinakaharap. At sinabi pa nga ng aktres, nan ang ma-ospital ang isa nilang anak [dahil sa kagat ng aso], ay mas naging ‘bonded’ pa ang kanilang pamilya.




“This time we had together has bonded us even more. It is truly through struggle we find strength and a new perspective and it is life’s way of teaching us to appreciate what we have and what is in front of us. Family through and through”, saad ni Kylie sa kanyang IG post, kalakip ang larawan ng anak habang ito ay nasa ospital.

Ang celebrity couple na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica ay matatanda na ikinasal noong buwan ng Disyembre taong 2018, at silang mag-asawa ay nabiyaan na ng dalawang mga anak na sina Alas Joaquin at Axel Romeo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *