Walk-In Closet ni Jinkee Pacquiao Halos Umabot Ng Php300-Milyon Ang Halaga

Lahat nga naman ng kababaihan ay nangangarap na magkaroon ng walk-in-closet, isang silid na para lamang sa mga sarili niyang kagamitan tulad ng bag, sapatos, damit at kung ano-ano pa. Kaya naman kung talagang ikaw ay may sinasabi sa buhay ay siguradong may ganitong silid ka sa iyong tahanan.




Gaya na lamang ni Jinkee Pacquiao, ang asawa ng ating Pambansang Kamao at Senador na si Manny Pacquiao.

Image Credit via Google

Sa kanilang mansion ay may isang malaking silid na inilaan si Jinkee na para lamang sa kanyang mga kagamitan, katulad ng kanyang mga mamahaling koleksyon ng bag at sapatos, mga magagara niyang mga damit at marami pang iba.

Image Credit via Google

Talaga nga namang napakalawak at napakaganda ng walk-in-closet na ito ni Jinkee Pacquiao, na kung saan ay pwede pa itong tambayan ng kanyang mga kaibigan dahil may isang upuan na makikita sa loob nito.

Image Credit via Google

Sino nga ba naman ang hindi mangangarap na magkaroon ng ganito kaganda, kalawak at maaliwalas na walk-in-closet? Ngunit kung malalaman niyo ang halaga nito, ay talagang mapapa Wow! kayo sa presyo nito.

Image Credit via Google

Ayon sa Real Living, tinatayang umabot sa Php 338 million ang halaga ng pagpapagawa ng walk-in-closet na ito ni Jinkee.

Image Credit via Google

Makikita sa mga larawan na kuha sa loob ng walk-in-closet ni Jinkee ang mga cabinet na talaga namang hindi maikakaila na safe na safe ang mga kagamitan dito na may mga magaganda at mamahaling mga disenyo.

Image Credit via Google

Makikita naman sa may bandang gitna, na kung saan ay madali lamang kunin kung kakailanganin ang mga mamahaling kwintas ni Jinkee at iba pa niyang mga gamit.
Agaw pansin rin dito ang isang malaking television, na nagbibigay libangan sa kanyang mga kaibigan na bibisita rito.

Image Credit via Google

Isa pa sa mga nakamamangha sa walk-in-closet na ito ni Jinkee ay ang napakagandang couch na may mga hermes na unan. Mayroon ding snack bar sa silid na ito, upang sa gayon ay madali ang pinagkukunan ng pagkain.




Tunay ngang nakakamangha ang ganda at lawak ng walk-in-closet na ito ni Jinkee, hindi lang sa presyo ng pagkakagawa ng walk-in-closet ka mapapa Wow kundi maging sa mga presyo ng mga kagamitan ni Jinkee na nakadisplay sa silid na ito.

Image Credit via Google

Masasabi ngang napakaswerte ng sino man na makakabisita sa Walk-In-Closet na ito ni Jinkee Pacquiao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *