Walk-In Closet Ni Vice Ganda Dinaig Pa Ang Mga Department Store Sa Lawak At Dami Ng Mga Damit At Sapatos Nito

Nang ipakita ni Vice Ganda sa madlang pipol ang kanyang bagong bahay na talaga namang mala-hotel ang ganda at laki, ay maraming mga netizens nag napa-wow. Ngunit maliban nga sa estraktura nito, ay mas mapapa-wow pa pala ang mga netizens kapag nakita na ang niloloob nito.




Kamakailan nga lamang ay ipinasilip ng TV host-comedian na si Vice Ganda ang loob ng kanyang tahanan, kung saan sa unang parte ng kanyang vlog, ay ang ground floor at ilang bahagi lamang ng second floor ang kanyang ipinakita.

Image Credit via YouTube

At nito nga lamang, ay ipinasilip n ani Vice sa part 2 ng kanyang vlog na mapapanood sa kanyang YouTube channel, ang kanyang walk-in closet na isa umano sa pinakalamalaking silid sa kanyang bagong tahanan.

Image Credit via YouTube

Marami ngang mga netizens, ang napa-wow at napanganga ng ipakita na ni Vice sa madlang pipol ang kanyang bonggang-bongga at h sa lawak na walk-in-closet sa kanyang bagong bahay.

Image Credit via YouTube

Nang mapanood nga ang ikalawang part ng house tour vlog ng Phenomenal Box-Office Star, kung saan ay ipinakita nito ang kanyang mala-department store na walk-in-closet ay talaga namang maraming mga netizens ang nanlaki ang mga mata.

Image Credit via YouTube

Sa ginawa ngang “balour tour” na ito ni Vice, ay kasa-kasama niya ang kanyang stan-up comedian na kaibigang si Negi, na tuwang tuwa naman matapos regaluhan ni Vice ng gustong-gusto nito na branded bag.

Image Credit via YouTube

Samantala, mapapanood nga sa naging vlog na ito ni Vice, na habang sila ay naglilibot ni Negi sa kanyang napakalawak at mala-department store na walk-in-closet, ay biniro nito ang kaibigan, na pigilan ang “malilikot” nitong mga kamay, dahil sa bilang niya umano ang lahat ng kanyang mga kagamitan na makikita sa nasabing silid.

Dahil nga sa laki, lawak, at napakaraming mga kagamitan ni Vice sa kanyang walk-in-closet, ay talaga namang masasabi natin na tila pwedeng-pwede na itong magtayo ng kanyang sariling department store.

#SanaAll! Ang salitang ito nga ang halos makikita na naging komento ng mga netizens, sa sobrang impress nila sa walk-in-closet ni Vice.

Habang nililibot nga ni Vice ang madlang pipol sa kanyang walk-in-closet sa pamamagitan ng video tour, ay ikinuwento TV host-comedian, kung ano ang kanyang naging inspirasyon upang makamit sa buhay ang ganito katindig pangarap.

Ayon nga kay Vice, noong siya ay nagsisimula pa lamang sa industriya, at nangungupahan lamang, ay mayroong sikat na mayamang bakla ang inimbitahan siya sa bahay nito, upang doon maglaro ng tong-its.

Dito niya umano nakita ang napakaganda nitong bahay, ng ilibot siya nito matapos nilang maglaro ng tong-its, at sa kanyang pagkamangha ay talagang naibahagi niya rito ang kanyang pagkamangha sa bahay nito.

Sinabi nga umano sa kanya ng naturang mayamang bakla, na makakaya rin niyang magkaroon ng ganun kalaking bahay, kung saan ay pinayuhan siya nito na ipakita at huwag lamang niyang sayangin ang kanyang talento, at lagi lang siyang gumawa ng mabuti.

Dagdag pa nga nito, hindi ang edad ng isang tao, ang magsasabi kung hanggang kailan mo lamang ma-aachieve ang pangarap mo. Dahil habang ikaw ay nagpupursige sa buhay, kahit mag-edad ka pa ng 30 o 40, ay magagawa mo, basta huwag ka lang susuko at patuloy lang ang pagisusumikap na matupad ang iyong pangarap.

Sa mga sinabi nang ito sa kanya ng naturang mayamang bakla, umano na-inspire si Vice, na huwag susukuan at patuloy lang tuparin ang pangarap sa buhay, kahit na ikaw ay may edad na. Dahil basta’t dala-dala mo sa iyong pagkatao ang iyong talento, ay hindi magiging imposible na matupad mo ang iyong pinapangarap.




Isang netizens naman ang nagkomento sa vlog na ito ni Vice, na sinasabing isa nga umano ang TV host-comedian sa “bukod na pinagpala”, dahil tila na kanya na nga lahat ng bagay sa mundo na pinapangarap ng isang beki.

Video Credit: Vice Ganda/YouTube

Tila nga wala ng mahihiling pa si Vice Ganda sa kanyang buhay, dahil maliban sa pagkakaroon niya ng napakalaki at mala-hotel na bahay, masayang pamilya, makulay na career, ay mayroon siyang exciting at patuloy na umuusbong na lovelife.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *