Willie Revillame Ipinagdiwang Ang Kanyang Kaarawan Kasama Ang Kanyang Mga Solid Na Kaibigan

Sa kabila ng hindi na magkakatrabaho, at may kanya-kanya ng kinaabalahan sa kanilang buhay, ay pinatunayan pa rin ng Trio na sina Willie Revillame, John Estrada at Randy Santiago na “solid” pa rin ang kanilang pagkakaibigan.




Kamakailan nga lamang ay nagdiwang ng kanyang ika-60 taong kaarawan ang Kapuso host na si Willie Revillame, at talaga namang naging espesyal ang selebrasyon ng kanyang kaarawan,

Photo Credit: randysantiagoofficial/Instagram

sapagkat hindi lang pagbati mula sa kanyang mga kaibigan at katrabaho sa industriya ang kanyang natanggap kundi maging mga bigating tao sa lipunan tulad ng mga GMA executives at Pangulong Rodrigo Duterte ay nakatanggap ng pagbati ang Wowowin host.

Photo Credit: randysantiagoofficial/Instagram

Maliban pa dito, ay muli ring nakasama ni Willie ang kanyang mga kaibigan at dating katrabaho bilang mga co-host na sina Randy Santiago at John Estrada.

Photo Credit: randysantiagoofficial/Instagram

Matatandaan na sina Willie, John at Randy, ay nagsimula sa ABS-CBN Network, at kahit nga hindi na nagkakasama sa iisang programa, at nabibilang na sa magkaibang network, ay nanatili pa rin ang kanilang pagkakaibigan.

Sa Instagram ni Randy Santiago, ay nagbahagi ito ng kanyang mensahe ng pagbati para sa kaarawan ng kaibigang si Willie, at kalakip pa nga nito ay ang mga larawan nila na magkakasama silang trio.

“Pagkatagal-tagal naming hindi nagkita-kita at sa mga mahahalagang okasyon ay sinisiguro naming magsama-sama. Sa pagkakataong ito ay ipinagdiriwang namin ang ika-60 kaarawan ng aming kapatid na Willie. Maligayang Bati “Kuya Wil” We love you”, ang naging saad ni Randy ng batiin ang kabigang nagdiriwang ng kaarawan.

May larawan pa ngang ibinahagi ang dating co-host ni Willie, kung saan naman ay makikita na kasakasama nila si Direk Edgar ‘Bobet’ Mortiz. Sa hiwalay naman na post ni Randy, ay may mahaba pa itong mensahe ng pagbati para kay Willie.

“Mula ng magkasama tayo, ilang dekada na rin ang nakararaan ay hindi nawala ang respeto natin sa isa’t isa kaya hanggang ngayon ay matibay ang ating pagkakaibigan. Maligayang pagbati sa iyong ika 60th na kaarawan Kapatid.

Mabuhay ka at nawa’y tuloy tuloy lang ang pagtulong mo sag a kababayan natin na umaasa sa iyo. Nagdarasal sa iyong patuloy na sigla at lakas ng pangangatawan. God bless you and All the Best Brother, Willie. I Love You”, ang wika ni Randy sa kanyang post.

Samantala, mas naging espesyal at masaya ang ika-60 kaarawan ni Willie Revillame dahil sa bahagi ng selebrasyon ng kanyang kaarawan ngayong taon ay ang pamimigay niya ng Php1-milyon at bagong house and lot sa pamamagitan ng paglalaro ng ‘Pera o Kahon’.




Noon ngang nakaraang taon, sa kaarawan ng Wowowin host, sa halip na siya’y magiwang ng kanyang kaarawan ay matatandaan na siya’y nagpa-abot ng tulong sa ating mga kababayan na nabiktima ng pagputok ng Bulkang Taal sa Batangas.
Tingnan sa gallery sa ibaba ang ilang mga tagpo ng pagseserbisyo publiko ni Willie Revillame sa pamamagitan ng programa niyang Wowowin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *