Willie Revillame Magbibigay Pabuya Kung Sino Ang Nakaisip At Gumawa Ng Kanyang Mukha Sa 5000 Peso Bill

Nito lamang nakaraan, ay kumalat sa social media ang larawan ng isang limang libong pesos bill, kung saan ay talaga namang kina-aliwan ito ng maraming mga netizens, dahil sa ang masayang mukha ng TV host na si Willie Revillame ang naka-imprenta dito.




Nagsimulang mag-viral sa social media ang post na ito, ng ilabas ng pamahalaan noon lamang ika-18 ng Enero, ang commemorative bill na P5,000, na ang naka-imprentang mukha ng bayaning si Lapu-Lapu.

Image Credit via Google

Ipinaliwanang naman ng Bangko Setral ng Pilipinas, kung bakit nila inilabas ang naturang commemorative banknote. At ayon nga sa kanila, ito ay inilabas, upang magsilbing pag-gunita sa ika-500 anibersayo ng tinaguriang ‘Victory at Mactan’.

Image Credit via Google

Ang ‘Victory of Mactan’, ay isang pagunita sa naging pagkapanalo ni Lapu-Lapu kay Ferdinand Magellan, at sa puwersa nito na sumakop sa Cebu noon. Ang historical battle ngang ito ng dalawa, ay naganap umano noong ika-27 ng Abril taong 1521.

Image Credit via Google

Matapos ngang ibahagi ito ng Bangko Sentral, ay agad naman itong pinagpyestahan ng mga netizens, at ang iba pa nga ay gumawa ng mga edited version nito. At kabilang na nga rito, ang pag-edit, at paglagay ng mukha ng “Wowowin” host na si Willie Revillame.

Image Credit via Google

Isa nga sa mga dialogue ng Wowowin TV host na si Willie, na talagang tumatak na sa maraming mga manonood, ay ang “Bigyan ng jacket yan.”At ngayon nga ay mayroon muling dialogue ang naturang host, na talaga namang kanyang madalas na binabanggit, at ito nga ay ang “Paybtawsan.”

Image Credit via Google

Samantala, ng makita nga ng TV host ang edited version ng P5,000 bill, ay natawa siya ng bongang-bongga, lalo pa’t mukha niyang nakatawa ang nakalagay dito.

Image Credit via Google

Dahil nga sa talagang siya’y natuwa sa kanyang nakita, ay sinabi ng ani Willie na kung sino man ang gumawa at ang-edit nito, ay magpakita na sa kanya, dahil ito ay bibigyan niya ng tumataginting na P15,000,.

“Akala ko naman totoo! ‘Yan ba ‘yun? Ilagay n’yo ‘Paybtawsan’ Okay, nakakatawa. Kung sino man nag-isip niyan, magpakilala ka. Bibigyan kita, titriplehin ko ‘yan, P15,000 ka!”, ang tawang tawa na chika ng ani Willie Revillame.




Marami namang mga manonood at tagasubaybay ng program ani Willie ang nag-abang ng kanyang bonggang birthday celebration, dahil sa pagdiriwang niya ng kanyang ika-60 taong karaawang, ay may mga maswerteng tao rin na kanyang matatawagan na sumusubaybay sa kanyang programa ang makatatanggap ng halagang 60,000 pesos.

Bukod pa nga sa mga papremyong ito, ay nagpalaro rin si Willie ng “Pera o Kahon”, kung saan ang magwawagi sa pamamagitan ng elevctronic raffle, ay magkakamit ng P1-milyon at brand new house and lot.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *