“Winelcome Ko Ng Bonggang-Bongga” Aktres Na Si Meryll Soriano Sa Pagbabalikan Nila Ng Ex-Boyfriend Na Si Joem Bascon

Pinatunayan ng aktres na si Meryll Soriano at aktor na si Joem Bascon na ang pag-ibig ay tunay na mas matamis sa ikalawang beses na pagtatagpo nito, kagaya na nga lamang ng ngayon ay nararamdaman nila sa isa’t isa.




Noon lamang nakaraang Mayo 8 ay nakapanayam ng TV host na si Bianca Gonzales si Meryl, at sa ekslusibong panayam na ito sa aktres sa Cineme News At Home edition ay sumang ayon nga ito na talaga namang akma sa relasyon nila ni Joem ang kasabihan na “Love is lovier the second time around.”

Photo Credit: planetumeboshi/Instagram

“Eleven years ago, naranasan kong maalagaan ni Joem. Alam mo yung tugma naman kami, magkaiba lang ang gusto namin, mostly ako talaga. “Ngayon tugma na, siguro sa edad na rin. Ano ang gusto namin sa buhay? Gusto namin magkapamilya”, ang naging pahayag nga ni Meryl.

Photo Credit: planetumeboshi/Instagram

Matatandaan na ang dalawa ay unang nagkarelasyon ng sila ay magsama sa proyektong I Love Betty La Fea noong taong 2008, isang serye ng ABS-CBN. Ngunit nauwi sa hiwalay ang una nilang relasyon ng magtungo sa bansang London si Meryll Soriano para mag-aral sa nasabing bansa ng Industial Design.

Photo Credit: planetumeboshi/Instagram

Muling nagkatrabaho sina Meryll at Joem sa Starla at pelikulang Culion noong taong 2019, at matapos nga ng proyekto nilang ito ay naging usap-usapan na ang pagkakabalikan umano nilang dalawa.

Photo Credit: planetumeboshi/Instagram

Dalawang taon matapos ang naging pagsasama sa proyektong Starla at Culion, ay ngayong taon lamang kinumpirma nina Meryll at Joem sa publiko na sila ay nagkabalikan na. Noon ngang unang buwan ng taong 2021, ay kinumpirma ni Meryll sa lahat ang relasyon nila ni Joem sa pamamagitan ng pagbabahagi ng larawan sa kanyang Instagram kung saan kasama niya ang aktor, habang karga karga nga niya ang anak nilang dalawa.

Photo Credit: planetumeboshi/Instagram

Ayon pa nga kay Meryll, masaya ang buhay niya ngayon, lalo na sa ‘rekindled love’ nil ani Joem, at hindi nga niya inakala na magkakabalikan sila muli ng dating nobyo.
“Love is lovelier the second time around? Oo, hahahaha! Kinilig, it’s rekindled love, masaya siya.

Photo Credit: planetumeboshi/Instagram

“I mean, hindi ko inakala. Ibibigay sa iyo ng tadhana kung ano ang para sa iyo. Winelcome ko nang bonggang-bongga. “May mga bagay na di ka ma-explain sa mundong ito at sa buhay mo. When you’re open and ready, darating din ang para sa iyo.”

Ibinahagi naman ni Meryll na sa ngayon ay wala pa siyang masasabi patungkol sa pagpapakasal , dahil mas nakatuon ang oras at panahon nila ngayon ni Joem sa pagiging isang magulang sa kanilang anak. Ang mahalaga din umano ay masaya sila sa kung ano ang relasyon na mayroon sila ngayon.




Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat, na naging kontrobersyal din ang pagbabalikan nina Meryl at Joem, dahil marami nga ang nagsasabi na ang aktres ang naging dahilan ng paghihiwalay ni Joem at Crisha Uy na halos walong taon na nagkarelasyon, kaya naman may mga netizens na bina-bash ang aktres.

Binabalewala lang naman ni Meryl ang lahat ng kanyang mga bashers, kung saan para sa aktres ay para maiwasan din niya ang mental stress. Wala rin umano siyang panahon para patulan pa ang mga it, dahil masyado siyang abala sa kanyang masayang buhay ngayon, at sa pag-aalaga na rin ng kanyang mga anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *