Wish granted Para Sa Bunsong Anak Ni Patrick Garcia At Asawang Si Nikka Matapos Nilang Ibahagi Na On The Way Na Si Baby No.4

Masaya ang pasok ng Bagong Taon para sa pamilya ng mag-asawang Patrick at Nikka Garcia, ito ay matapos nilang ibandera sa publiko na muling magkakaroon ng bagong miyembro ang kanilang lumalaki ng pamilya.




“YES, we are pregnant with baby number four”, ang masayang balita na ibinahagi nina Patrick at Nikka, kasabay ng pagsalubong nila sa Bagong Taon.

Photo Credit: onlypatrickgarcia/Instagram

Ang magandang balita ngang ito sa pamilya ng mag-asawa, ay masaya nilang ibinahagi sa kanilang pinaka-latest family vlog na may titulong “Another Blessing”. “Answered prayer”, ang sabi ni Patrick sa muling pagbubuntis ni ng asawa.

Photo Credit: onlypatrickgarcia/Instagram

Sa video ngang ito, ay ibinahagi ni Nikka, kung ano ang kanyang nararamdaman sa kanyang pagbubuntis ngayon.

Photo Credit: onlypatrickgarcia/Instagram

“Walang lakad. Kasi medyo sometimes nahihilo ako palagi. It’s not just morning sickness, it’s whole day sickness. So yes we are pregnant with baby number four.”

Photo Credit: onlypatrickgarcia/Instagram

Ikinuwento naman ni Patrick, na kahit alam nilang buntis na ang asawa, ay itinuloy pa rin nila ang pagpunta sa Boracay last month, kasama ang tatlo nilang mga anak.

Photo Credit: onlypatrickgarcia/Instagram

“Siguro sa lahat ng naging pregnancies niya, parang feeling ko dito siya pinakanatsa-challenge ngayon. She’s high risk so it’s better for us for her to stay home muna.

Photo Credit: onlypatrickgarcia/Instagram

“When we went to Boracay we already know na buntis na siya pero we had already planned Boracay before we found out. So, no choice kami but to go on trip. Had we found out before planning Boracay we won’t risk it.

Photo Credit: onlypatrickgarcia/Instagram

“We had fun naman in Boracay at saka wala namang nangyaring masa sa amin so okay lang”, ang naging paglalahad nga ng aktor.

Photo Credit: onlypatrickgarcia/Instagram

Dagdag naman ni Nikka, matagal ng dasal ng bunsong anak nilang si Pia na magkaroon uli ng baby sa family nila, at ngayon nga eto na at “wish granted” na, dahil dininig ng Diyos ang hiling nito.

Photo Credit: onlypatrickgarcia/Instagram

“Actually, compared to the rest, iba yung nausea ko dito, iba yung food aversion. I’m little bit challenged but I know that as I go further into my pregnancy, it will get better.
“This has been Pia’s prayer, I think it’s because of her prayer that got really answered. She’s been praying every night for this”, saad ni Nikka.

Samantala, sa kabila ng masayang balitang ito, ay hindi rin naman maiaalis kay Patrick ang makaramdam ng pag-aalala at pangamba, lalo na nga’t ngayon ay patuloy pa rin ang banta ng pandemya sa ating bansa.

Dagdag pa ng ani Patrick, sa pagbubuntis ng asawa, ay triple pag-iingat pa ang kailangan nilang gawin, upang masigurado na magiging ligtas ang kanyang mag-ina at ang buo nilang pamilya mula sa krisis.

Payo rin umano ng doctor ni Pia, na hangga’t maari ay huwag muna itong maglalabas ng kanilang tahanan.




“Stay at home muna because there are still a pandem!c going on so just to be safe and to make sure the baby is okay.”

Matatandaan na taong 2015 ng ikinasal sina Patrick at Nikka, at sila nga ay mayroon ng tatlong anak na puro babae na sina, Michelle Celeste, Nicola Patrice at Francisca Pia.
Si Patrick naman ay may nauna ng anak na lalaki, at ito nga ay si Alex Jazz, na anak niya sa aktres na si Jennylyn Mercado, na dati niyang karelasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *