World Boxing Champion Na Si Donnie “AHAS” Nietes Abala Ngayon Sa Pagiging Isang Vegetable Trader

Marami siguro ang nagtatanong sa atin, kung ano ang pinagkakaabalahan ng mga kilala nating sikat na boksingero ngayong may krisis, at wala pang nagaganap na laban ng boksing.



Isa nga sa mga hinahangaan at mahuhusay na boksingero ay si Donnie Nietes, ngunit ngayon na wala pang laban sa boksing, ano nga kaya ang pinagkakaabalahan nito?
Dahil nga sa wala pang laban sa loob ng ring ang “crafty fighter” na si Donnie Nietes na mula sa Murcia Town, Negros Or.
Image Credit via Google
Ay naisipan muna nito ang magnegosyo, upang siya’y mayroong pagka-abalahan at mapagkunan na rin ng pansamantalang ‘income’ para sa kanyang pamilya.
“Nagtayo muna ako ng kaunting negosyo.”
Image Credit via Google
“Nagtitinda ako ng chorizo, kimchi, at mga gulay at bigas. Iyan ang pinagkakaabalahan ko during the pandemic”, ang naging saad nga ni Donnie. “Kasi wala akong ginagawa, walang boxing. So naisip ko, makapag-income ako para kumita”, dagdag pa niya.
Image Credit via Google
Isa nga sa mga bigating customer ni Donnie Nietes ay ang kanyang chief trainer na si Edito “Ala” Villamor, na pareho rin niyang nasa mundo ng negosyo, tulad na lamang ng pagtitinda ng mga gulat at mga home essentials. “Sila ang gumagawa at ako nagbebenta. Small business lang, parang libangan lang’, saad pa ni Nietes.
Image Credit via Google
Ng tanungin naman si Donnie, kung ano ang masasabi niya ngayon siya ay isa munang vegetable vendor ay sinabi nito na; “I don’t care kung anong sabihin nila, nagtitinda ako ng gulay, nagtitinda ng kimchi. Buhay koi to, kailangan kong mabuhay.”
Image Credit via Google
“Magugustuhan tayo, kapag walang hanapbuhay.” Saad nga ng boksingero.
Ibinahagi naman ni Donnie, na mayroon siyang pagsisi ng nararamdaman sa hindi niya pagtanggap noon na makuha ang WBO Title.



“May pagsisisi bakit binitawan ko. Kung alam ko lang na hindi ibigay ni Palicte ang title, nilabanan ko na lang siya” pagbabahagi nga ni Donnie Nietes.
Batid ng marami sa atin na si Donnie Nietes ang isa sa may hawak ng 4-division champion, at ang kanyang naging huling laban sa ring ay noong buwan ng Disyembre 2018, kung saan ay natalo niya ang boksingero ng bansang Japan na si Kazuto ioka at kinuha niya ang WBO junior bantamweight title.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *